Pagbabalik sa CBA negotiations ng PLDT-GUTS at PLDT management, suportado ng CWS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,641 total reads

Sinusuportahan ng Church People-Workers Solidarity o CWS ang patuloy na pagsusulong ng mga manggagawa ang pagkakaroon ng nagkakaisang collective barganing agreement o CBA.

Kinatigan ni CWS National Chairperson San Carlos Bishop Gerardo Alminaza panawagan ng ‘PLDT Gabay ng Unyon sa Telekomunikasyon ng mga Superbisor’ o PLDT-GUTS para sa makatarungang CBA at pagkilala sa dignidad at karapatan ng mga manggagawa.

Nakiisa ang CWS sa muling pagbabalik ng CBA negotiations ng PLDT-GUTS at PLDT management simula sa ika-15 ng Mayo 2026 matapos ang 35-plenary meetings sa usapin ng suweldo, benepisyo, at working conditions ng mga empleyado.

“The Church People-Workers Solidarity (CWS) expresses its unwavering support for the PLDT Gabay ng Unyon sa Telekomunikasyon ng mga Superbisor (PLDT GUTS). We stand with you in your courageous struggle for a just Collective Bargaining Agreement (CBA) and for the recognition of your fundamental rights and dignity as workers.”

Ikinababahala ng CWS ang kawalan ng konkretong tugon ng PLDT employer sa economic proposals ng unyon kabilang ang dagdag-sahod at iba pang labor protections.

Nagpahayag rin ng pangamba ang grupo sa pagtatangkang gawing Memorandum of Agreement o MOA ang ilang probisyon ng CBA na magpapahina sa legal na proteksyon at bargaining powers ng mga manggagawa.

Nanindigan si Bishop Alminaza na hindi dapat ipagkait sa mga empleyado ang makatarungang kompensasyon lalo’t naiulat na kumita ang PLDT ng mahigit P24.27 bilyong piso sa nakalipas na limang taon.

Ayon sa grupo, hindi lamang kapital kundi sakripisyo at paggawa ng mga empleyado ang dahilan ng tagumpay ng kumpanya.

Ipinahayag din ng CWS ang pagkabahala sa mga ulat ng unpaid overtime work, trabaho sa rest days na hindi binayaran, at kakulangan sa occupational safety protections na maituturing na paglabag sa labor standards at dignidad ng manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 115,379 total reads

 115,379 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 148,708 total reads

 148,708 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 180,852 total reads

 180,852 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 246,914 total reads

 246,914 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 258,777 total reads

 258,777 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top