Mass for accountability, idinaos sa House of the Representatives People’s Center

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,638 total reads

Bago ang inaasahang pagboto ng mga mambabatas sa Kamara kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, idinaos sa People’s Center ng House of Representatives ang isang “Mass for Accountability.”

Sa kanyang homiliya, iginiit ni Fr. Lino Gregorio V. Redoblado, OFM, Minister Provincial ng Franciscan Province of San Pedro Bautista, na ang pagpapahintulot na umusad ang impeachment process ay hindi pa nangangahulugang may hatol ng pagkakasala, kundi bahagi ng lehitimong proseso ng Konstitusyon upang suriin ang mga ebidensya at tiyakin ang due process.

“Impeachment reminds us that no one is above the law, above accountability, above truth, or above the people whom they are called to serve,” ani Fr. Redoblado.

Ayon pa sa pari, na siya ring Chairperson ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), mahalagang manaig ang katotohanan at pairalin ang tapat, matapang, at malinaw na proseso ng batas.

Binigyang-diin din ni Fr. Redoblado na ang usapin ng impeachment ay hindi lamang tungkol sa iisang personalidad, kundi pagkakataon din upang paalalahanan ang lahat ng nasa pampublikong serbisyo tungkol sa kanilang pananagutan sa mamamayan.

“But let us be clear: this is not only about one person. Our prayer is for all those entrusted with public office and public trust — that they may become more accountable, more transparent, more responsible, and more faithful servants of the Filipino people,” dagdag pa nito.

Nanawagan din ang pari sa mga lider ng bansa na pairalin ang konsensya at katotohanan sa halip na magpadala sa takot, impluwensiya ng politika, o pansariling interes.

Ayon kay Fr. Redoblado, hindi dapat nakabatay sa popularidad o kapakinabangan sa pulitika ang katotohanan, kundi sa moral na pananagutan at paglilingkod sa bayan.

“Today, more than ever, our nation needs men and women who will listen not to the voice of fear, political convenience, blind loyalty, pressure, or personal ambition, but to the voice of the Spirit of Truth,” ayon pa sa pari.

Naging katuwang ni Fr. Redoblado sina Fr. Robert Reyes, Fr. Bong Sarabia, SVD at Fr. Joel Saballa, isa sa nagsumite ng impeachment complaint laban kay VP Sara at anchor priest ng Radyo Veritas.

Kabilang din sa dumalo sa misa ang ilang mga mambabatas, madre at mga kinatawan ng iba’t-ibang relihiyon na sinundan din ng isang Ecumenical Prayer.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 18,201 total reads

 18,201 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 55,156 total reads

 55,156 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 108,991 total reads

 108,991 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 171,799 total reads

 171,799 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 239,559 total reads

 239,559 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pope Leo XIV, bibisita sa France

 43,570 total reads

 43,570 total reads Bibisita si Pope Leo XIV sa France mula Setyembre 25 hanggang 28 para sa kanyang apat na araw na apostolic journey. Bibisitahin ng

Read More »
Scroll to Top