Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Impeachment complaint laban kay VP Duterte, aprubado na ng Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,038 total views

Tuluyan nang inaprubahan ng House of Representatives ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte matapos makakuha ng 257 boto pabor sa plenaryo.

Ang bilang ay higit sa kinakailangang 106 boto o one-third vote na itinakda ng Konstitusyon upang maipadala sa Senado ang Articles of Impeachment para sa paglilitis.

Umabot naman sa 25 ang bumoto ng tutol habang siyam ang nag-abstain.

Sa sponsorship speech ni Batangas Rep. Gerville Luistro ng Batangas at chairperson ng House Committee on Justice, sinabi nitong hindi lamang botohan ang naganap kundi pagsubok sa katapatan sa Konstitusyon at paghahanap ng katotohanan.

“Kapag may mabibigat na pagdududa tungkol sa paggamit ng pera ng bayan, tungkol sa katapatan ng SALN, tungkol sa asal at pananalita ng isang pinuno—hindi maaaring manahimik ang House of Representatives,” ayon Luistro.

Dagdag pa ng mambabatas, “Hindi tayo maaaring magbulag-bulagan. Hindi tayo maaaring matakot. Hindi tayo maaaring maging kasabwat ng katahimikan.”

Bago ang botohan, nagkaroon muna ng interpellation kung saan kinuwestiyon nina Representatives Paolo Marcoleta, Robert Nazal, Isidro Ungab, at Leandro Leviste ang regularidad ng impeachment proceedings.

Gayunman, iginiit ni Luistro na pinapayagan ng House rules ang Committee on Justice na magsagawa ng pagdinig kahit naka-recess ang Kamara at maghain ng subpoena para sa mga testigo at dokumento.

Tampok sa impeachment complaint ang apat na Articles of Impeachment laban sa Bise Presidente.

Kabilang sa Article I ang maling paggamit at irregular liquidation ng 612.5 milyong pisong confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education.

Binanggit din ang findings ng Commission on Audit na nag-flag sa improper use ng confidential funds, gayundin ang findings ng National Bureau of Investigation at Philippine Statistics Authority kaugnay ng mga kwestyonableng pangalan at dokumento gaya ng “Mary Grace Piattos” at “Kokoy Villamin.”

Sa Article II naman nakapaloob ang alegasyon ng unexplained wealth at hindi tugmang SALN at bank transactions ng Bise Presidente at kanyang asawang si Atty. Manases Carpio.

Ayon sa Kamara, lumaki ang net worth ni Duterte mula 7.2 milyong piso noong 2007 hanggang mahigit 88.5 milyong piso noong 2024, habang lumitaw din sa records ng Anti-Money Laundering Council ang humigit-kumulang 6.77 bilyong pisong covered at suspicious transactions na may kaugnayan sa mag-asawa.

Nakasaad naman sa Article III ang alegasyon ng bribery kaugnay ng pamimigay ng cash envelopes sa ilang opisyal ng Department of Education noong kalihim pa si Duterte.

Habang sa Article IV, tinukoy ang grave threats at inciting to sedition bunsod ng mga pahayag ni Duterte, kabilang ang naging kontrobersyal na video press conference noong Nobyembre 2024 kung saan sinabi nitong nag-utos siya ng pagpatay kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

Matapos ang botohan, inaasahang agad na maipapadala sa Senado ang Articles of Impeachment para sa paglilitis bilang impeachment court.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 62,820 total views

 62,820 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 83,885 total views

 83,885 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 106,907 total views

 106,907 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 144,736 total views

 144,736 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top