Lumalalim na galit ng mga Pilipino, ikinababahala ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,058 total reads

Lubhang nababahala si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa lumalalim na galit, pagkadismaya, at pagkakahati-hati ng mga Pilipino dahil sa kabiguan ng mga lider sa bansa na pairalin ang integridad at pananagutan sa pamamahala.

Sa kaniyang pastoral message, sinabi ng obispo na makatwiran ang nararamdamang galit ng mamamayan dahil sa paulit-ulit na pagkakanulo sa tiwala ng publiko.

“Many Filipinos today are not only anxious; they are furious. They see leaders who should have been role models of integrity, yet they themselves disregard the law,” ayon kay Bishop Santos.

Binigyang-diin ng obispo na ang galit ng mamamayan ay dahil sa patuloy na pagbalewala ng mga halal na lider sa pagsusulong ng kabutihang panlahat lalo na sa pagtugon sa mga pangunahing usaping panlipunan na lubhang nakakaapekto sa mamamayan.

“The righteous anger of our people is not born of hatred, but of betrayal. A betrayal of trust, of duty, and of the common good,” dagdag pa ng obispo.

Tinukoy rin ni Bishop Santos ang iba’t ibang suliraning kinakaharap ng bansa, kabilang ang kontrobersiya sa flood control projects, kawalang-katarungan sa mga nawawalang sabungero, krisis sa langis, at hindi matatag na suplay ng kuryente.

“The flood control fiasco, with billions lost, remains unresolved. Those responsible continue to live comfortably, untouched by accountability, while the poor suffer the consequences,” pahayag ni Bishop Santos.

Ayon pa sa obispo, higit na nakalulungkot na natatabunan ng alitan at ingay sa politika ang tunay na hinaing ng mamamayan para sa katarungan, katotohanan, at malasakit.

“Arguments, accusations, and divisions drown out the more urgent cries of our people: the cry for justice, for truth, for accountability, for compassion,” ani ng obispo.

Kasabay nito, pinaalalahanan ni Bishop Santos ang mga lider at mamamayan na walang sinuman ang makatatakas sa katarungan ng Diyos.

Hinimok naman ng obispo ang sambayanan na manatiling nakatuon sa mga usaping moral at sama-samang isulong ang pagbabagong nakabatay sa pananagutan, katotohanan, at kabutihang panlahat.

“Let us rebuild our nation not on anger alone, but on conversion, responsibility, and renewed commitment to the common good,” giit ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 56,202 total reads

 56,202 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 152,586 total reads

 152,586 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 196,855 total reads

 196,855 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 219,964 total reads

 219,964 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 292,586 total reads

 292,586 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top