Kristong Hari Parish – Shrine of the Youth, matatapos na ang konstruksyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,648 total views

Nagpasalamat si Fr. Roland Jaluag, kura paroko ng Kristong Hari Parish – Shrine of the Youth sa patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan ng komunidad sa pagpapagawa ng simbahan.

Ito ang mensahe ng pari kasunod ng pagpasinaya at pagbabasbas sa retablo, tabernakulo, at mga upuan ng simbahan nitong May 16.

Ayon kay Fr. Jaluag ang pag-unlad ng simbahan at pagpapatuloy ng proyekto na sinimulan noong 2013 ay bunga ng sama-samang sakripisyo ng mga donors, parishioners, layko, at mga pari ng Diocese of Novaliches.

“Ang retablong nakita natin kanina, ang altar na nakita natin kanina, lahat ng iyon ay saksi ng ating pagtutulungan at pagkakaisa upang mabuo ang simbahan ng Kristong Hari,” pahayag ni Fr. Jaluag sa Radyo Veritas.

Ibinahagi ng pari na kasalukuyang nasa 85% na ng konstruksyon ang simbahan at inaasahang matatapos na sa susunod na taon.

Umaasa si Fr. Jaluag na maisasagawa ang pagtatalaga ng dambana ng Kristong Hari sa November 2027.

Binigyang-diin ng pari na mula nang simulan ang proyekto, sa kabila ng mga agam-agam at pangamba, ay nanatiling matatag ang diwa ng bayanihan sa komunidad.

“Mahaba ang nilakbay ng ating simbahan simula noong 2013 at hanggang ngayon ay patuloy pa rin tayo. Pero may isang bagay na hindi nagbabago. Hindi nagbabago ang pagtutulungan at pagkakaisa ng komunidad,” ani ng pari.

Aminado rin itong marami pang kakulangan sa proyekto, ngunit patuloy na nakatatanggap ng biyaya at tulong mula sa mga mananampalataya.

“Nakakamangha, marami tayong kulang; marami tayong hindi kayang gawin. Pero nabubuo pa rin natin ang simbahan. Dahil hindi tayo pinababayaan ng Diyos,” saad ni Fr. Jaluag.

Paalala rin ng pari na ang mga bagong bahagi ng simbahan tulad ng retablo, altar, upuan, at tabernakulo ay sumisimbolo sa buhay na presensya ni Hesus sa pamayanan.

“Ang retablo, ang altar, ang mga upuan, ang tabernakulo na binabasbasan natin kanina ay tanda na ang bawat isa sa atin ay ginamit ng Diyos na instrumento upang maging buhay na presensya ni Jesus dito sa Commonwealth,” dagdag ni Fr. Jaluag.

Pinangunahan naman ni Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias ang pagpasinaya at pagbabasbas sa mga bagong bahagi ng simbahan kasama si Fr. Jaluag at mga pari ng diyosesis.

Kasabay nito, muling nanawagan si Fr. Jaluag sa publiko na makibahagi sa pagpapatuloy at pagtatapos ng pagpapagawa ng Kristong Hari Shrine of the Youth.

Ang mga nagnanais na makiisa sa proyekto ay direktang makipag-ugnayan sa official Facebook page ng RCBN Kristong Hari Parish – Shrine of the Youth para sa karagdagang detalye.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lason sa utak ng kabataan

 29,836 total views

 29,836 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 56,487 total views

 56,487 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 151,545 total views

 151,545 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 173,054 total views

 173,054 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 186,117 total views

 186,117 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top