Pangalagaan ang dignidad ng tao, panawagan ni Pope Leo XIV sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,708 total reads

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mamamayan na pangalagaan ang dignidad ng tao sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng artificial intelligence at umiiral na kaguluhan sa mundo.

Sa kanyang Regina Caeli sa Vatican noong May 17, sinabi ng Santo Papa na mahalagang manatiling nakasentro sa katotohanan ng tao ang anumang makabagong teknolohiya.

“In this era of artificial intelligence, I encourage everyone to commit themselves to promoting forms of communication that always respect the truth of the human person,” ayon kay Pope Leo XIV.

Binigyang-diin ni Pope Leo na dapat nakatuon sa paggalang sa dignidad at katotohanan ng tao ang anumang mga pagbabago at pag-usbong ng teknolohiya.

Muling nanawagan ang Santo Papa ng pagsusulong ng kapayapaan at pangangalaga sa sangnilikha lalo na sa paggunita ng Laudato Si’ Week ngayong taon.

Aminado ang punong pastol ng simbahan na naapektuhan ng mga digmaan ang pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa sa daigdig.

“Sadly, in recent years, due to wars, progress in this direction has been greatly impeded,” ayon kay Pope Leo XIV.

Dahil dito, hinimok nito ang mga mananampalataya at mga nagsusulong ng integral ecology na paigtingin ang pagkilos para sa kapayapaan at buhay.

“Indeed, caring for peace is caring for life!” dagdag pa ng Santo Papa.

Sa pagninilay naman ukol sa Pag-akyat ni Hesus sa Langit, sinabi ni Pope Leo XIV na ang Ascension ay hindi lamang pangakong malayo kundi “a living bond” na naglalapit sa sangkatauhan sa ganap na pakikipagkaisa sa Diyos.

Paalala rin ng Santo Papa na si Kristo ay nagdadala ng liwanag, pagpapatawad, at pag-asa sa gitna ng kadiliman ng kawalang-katarungan at kawalang-pag-asa bunsod ng iba’t ibang hamong kinakaharap ng lipunan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 44,806 total reads

 44,806 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 89,358 total reads

 89,358 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 209,937 total reads

 209,937 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 260,294 total reads

 260,294 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 385,956 total reads

 385,956 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top