Pagtatayo ng GAAV ng perimeter fence sa lupang ninuno ng Kirinteken-Ilentungen Menuvu tribe, ikinababahala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,764 total reads

Nagpahayag ng pagkabahala ang Legal Rights and Natural Resources Center matapos simulan ng Green Arrow Agriventures, Inc. (GAAVI), subsidiary ng Kennemer Foods International, ang pagtatayo ng perimeter fence sa loob ng lupaing ninuno ng tribung Kirinteken-Ilentungen Menuvu sa Don Carlos, Bukidnon.

Ayon sa grupo, noong May 15, 2026, nagsimulang maghukay ng mga poste ang mga tauhan ng kumpanya, kabilang ang mga armadong guwardiya, sa loob ng 195-ektaryang banana plantation na sinasabing sumasaklaw sa ancestral domain ng tribu.

“The tribe will soon have no way in and out of their village because of the barriers,” pahayag ng LRC.

Ang nasabing lupain ay kasalukuyang saklaw ng Agrarian Law Implementation (ALI) case dahil sa pagsasalungatan ng mga titulong inilalakad sa ilalim ng Support to Parcelization of Lands for Individual Titling (SPLIT) Project at ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ng tribu.

Ibinahagi ng LRC na noong April 27, 2026, nagsagawa ng dayalogo ang Serukadang Manobo Tribal Organization (SMTO), kasama ang Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Environment and Natural Resources (DENR), National Commission on Indigenous Peoples, at World Bank, kung saan pansamantalang isinuspinde ang implementasyon ng proyekto.

Gayunman, iginiit ng GAAVI-Kennemer na wala pa itong natatanggap na opisyal na memorandum mula sa DAR kaya nananatili ang kanilang operasyon sa lugar.

Binigyang-diin ng LRC na ang pagtatayo ng bakod ay maaaring lalo pang maglimita sa access ng tribu sa kanilang mga sakahan, sagradong lugar, at natitirang bahagi ng kanilang lupaing ninuno.

“The project has also been criticized for encouraging indebtedness, where struggling farmer-beneficiaries can more easily sell their individual land parcels, ultimately reversing agrarian reform and exacerbating landlessness,” ayon sa LRC.

Nakasaad sa Laudato Si’ na ang pagtatanggol sa mga katutubo at sa kalikasan ay bahagi ng paggalang sa dignidad ng tao at pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 54,278 total reads

 54,278 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 150,818 total reads

 150,818 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 195,087 total reads

 195,087 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 218,196 total reads

 218,196 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 290,901 total reads

 290,901 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 145,907 total reads

 145,907 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top