DSAN, magsasagawa ng communal at personal prayer para gabayan ng espiritu Santo ang mga Senador at impeachment prosecutors

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,937 total reads

Naglabas ng mga mungkahing gawain ang Diocesan Social Action Network ng mga kasaping arkidiyosesis at diyosesis ng People’s Power Movement at Bayanihan Alay sa Kapwa ng Caritas Philippines bilang suporta sa panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kaugnay sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Kabilang sa mga mungkahing aktibidad ang pagsasagawa ng communal at personal prayer para sa paggabay ng Espiritu Santo sa mga senador, prosecutors, at defense lawyers upang makakita nang malinaw ang mga ebidensya, pumili nang mabuti, at kumilos nang tama para sa pagsusulong ng rule of law at common good sa paghahanap ng katotohanan at katarungan.
“Asking for the guidance of the Holy Spirit upon our Senators, the teams of prosecutors and defense lawyers that they may “see clearly, choose well, and actright” to“adhere tothe ruleof lawandserve the common goodin thepursuit of justice and truth.” Ang bahagi ng pahayag ng grupo.

Hinikayat din ng grupo ang pananalangin para sa Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga miyembro ng Kongreso, at iba pang opisyal ng pamahalaan upang pairalin ang tapat at makataong pamumuno na magtataguyod ng transparency, accountability, at paglilingkod lalo na sa mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

“Praying for the President, Vice President, members of Congress, and all elected and appointed public officials that through this process they may exercise authentic and ethical servant leadership that will promote transparency and accountability and that will result in genuine service to the Filipino people, especially the poor, marginalized, and voiceless of our society.” Dagdag pa ng grupo.

Kaugnay nito, iminungkahi rin ng grupo ang sama-samang pagdarasal tuwing alas-dose ng tanghali at alas-sais ng gabi bilang simbolo ng pagkakaisa sa panalangin at pagkilos.

Bahagi rin ng mungkahi ang pagpapatunog ng kampana sa mga simbahan, tahanan, at komunidad bilang hudyat ng pananalangin, gayundin ang pagsisindi ng kandila tuwing alas-sais ng gabi bilang paalala na maging “children of light” ang bawat isa.
“Praying for all of us Filipinos that we may learn and commit to exercise our civic duties and responsibilities and work together for the common good, setting aside partisan political affiliations as we serve the poor, marginalized, and voiceless of our society.” Ayon pa sa grupo.

Pinayuhan din ng grupo ang mga komunidad na magtatag ng mga information hubs na magbibigay lamang ng “credible, fact-checked, and responsible sourced information” hinggil sa impeachment trial kasama ang balanseng pagsusuri mula sa mga kinikilalang eksperto sa batas.

Hinimok din ng grupo ang pagkakaroon ng mahinahon at mapanuring talakayan sa nagaganap na paglilitis, gayundin ang pagpapahayag ng magalang at makabuluhang feedback sa mga senador at mga kasapi ng prosecution at defense teams.
Ayon sa grupo, layunin ng mga gawain na mapalawak ang pagkakaisa ng mamamayan sa panalangin at pagkilos para sa kabutihang panlahat, katotohanan, at katarungan sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 54,298 total reads

 54,298 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 150,836 total reads

 150,836 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 195,105 total reads

 195,105 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 218,214 total reads

 218,214 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 290,919 total reads

 290,919 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top