Kahit wala si VP Duterte,tuloy ang impeachment trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,208 total views

Magpapatuloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte kahit hindi ito personal na humarap sa Senate impeachment court.

Ito ang inihayag ni House impeachment prosecutor at Manila Representative Joel Chua kasunod ng pormal na pagbubukas ng Senado bilang impeachment court.

Ayon kay Chua, nakasaad sa impeachment rules na pangunahing layunin ng writ of summons na makapagsumite ng sagot ang bise presidente sa Articles of Impeachment sa loob ng itinakdang sampung araw at makapagpasok ng plea sa korte.

Ipinaliwanag ng mambabatas na maaaring personal na humarap si Duterte, ipaubaya sa kanyang mga abogado ang pagharap sa korte, o piliing hindi dumalo bilang bahagi ng legal strategy ng depensa.

Paglilinaw pa ni Chua na kahit hindi humarap ang bise presidente o ang kanyang mga abogado ay magpapatuloy pa rin ang impeachment proceedings at awtomatikong maglalagay ng “not guilty plea” ang impeachment court para sa kanya.

“Now, in the event that the vice president did not appear in the impeachment trial or her lawyer did not appear or no answer was submitted, the trial will proceed anyway, and a plea of not guilty will be entered for the vice president,” paliwanag ni Chua sa isang panayam.

Kasunod nito, isasagawa ang pre-trial kung saan tatalakayin ang mga ebidensya, testigo, at mga usaping ihaharap sa aktuwal na paglilitis.

Naniniwala rin ang House prosecutor na mahalagang maipaliwanag ni Duterte ang mga alegasyon laban sa kanya na matagal nang inaantabayanan ng publiko.

Kabilang sa mga paratang laban sa pangalawang pangulo ang maling paggamit ng confidential funds, hindi tamang deklarasyon ng yaman, bribery, at pagbabanta laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 106,054 total views

 106,054 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 136,277 total views

 136,277 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 162,925 total views

 162,925 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 257,898 total views

 257,898 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 272,082 total views

 272,082 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top