Kinamusta niyo rin ba ang pamilya ng namatay sa war on drugs? Bishop Ayuban sa mga Senador

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 107,508 total views

Nagpahayag ng pagkabahala si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF at nanawagan ng patas na pagtingin sa usapin ng katarungan kasunod ng naging reaksyon ni Senator Pia Cayetano sa privilege speech ni Sen. Risa Hontiveros hinggil sa nangyaring gulo sa Senado noong May 13.

Sa kanyang bukas na liham, ipinunto ni Bishop Ayuban ang pagiging mapili sa pagpapakita ng pagkabahala at pagpapahalaga sa buhay, kasunod ng insidente sa Senado, na inihambing niya sa sinapit ng mga biktima ng madugong kampanya laban sa droga noong mga nakaraang taon.

“Noong gabi-gabing may duguang bangkay na nakahandusay sa tabi ng estero… kinakamusta mo rin ba at ng 12 mong kasama ang naulilang pamilya?” pahayag ni Bishop Ayuban.

Binanggit din ni Bishop Ayuban si Kian delos Santos at iba pang biktima ng karahasan na aniya’y hindi nabigyan ng sapat na pagkilala at katarungan.

Ayon sa obispo, madaling malimot ang sinapit ng mahihirap lalo na kung wala silang kapangyarihan o impluwensya sa lipunan, kaya’t iginiit niya na hindi dapat namimili ang katarungan at habag batay sa katayuan ng isang tao.

“Ang hustisya ba’y may paboritong adres? Ang habag ba’y marunong pumili kung sino lamang ang dapat luklukan ng awa? Mas mabigat ba ang luha kapag ang umiiyak ay may posisyon, at mas magaan kapag ang bangkay ay mula sa laylayan?,” saad ni Bishop Ayuban.

Binigyang-diin din ng obispo na nananatiling sariwa sa alaala ng sambayanan ang sinapit ng libu-libong biktima ng karahasan at hindi ito dapat matabunan ng mga talumpati at usaping pulitikal.

Hinimok ni Bishop Ayuban ang mga halal na opisyal na isulong ang tunay na paghilom at pagbabago sa lipunan, lalo na para sa mga pamilyang matagal nang naghahanap ng katarungan at kapayapaan.

“Kaya bago mo muling itanong kung nasaan ang iyong mga kasama, baka dapat mong lingunin ang mga gabing tahimik kang nakatingin habang ang mahihirap ay isa-isang nililibing,” ayon kay Bishop Ayuban.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 68,245 total views

 68,245 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 98,467 total views

 98,467 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 125,118 total views

 125,118 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 220,091 total views

 220,091 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 236,648 total views

 236,648 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top