Kaligtasan ng mamamayan sa mga sanitary landfill, pinasusuri ng EcoWaste sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,142 total views

Kaligtasan ng mamamayan sa mga sanitary landfill, pinasusuri ng EcoWaste sa pamahalaan

Nanawagan ang EcoWaste Coalition sa pamahalaan na agarang suriin ang kaligtasan at integridad ng mga landfill sa bansa kasunod ng nangyaring trash slide sa Davao City Sanitary Landfill noong May 20, 2026.

Ayon sa grupo, dapat tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na regulasyon at magsagawa ng agarang pagtugon at pagwawasto.

Sinabi ni EcoWaste Coalition Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino, dapat tiyakin ng mga kinauukulan ang mahigpit na pagsunod ng lahat ng landfill sa mga pamantayan ng environmental compliance, kabilang ang waste segregation, soil cover, slope stabilization, at monitoring protocols.

“We cannot just wait for the next landfill collapse, fire, leachate overflow, and gas explosion to claim more lives and aggravate social injustice and environmental pollution, ” pahayag ni Tolentino.

Iginiit ng grupo na ang sunod-sunod na insidente sa Binaliw Landfill sa Cebu City; Rizal Provincial Sanitary Landfill sa Rodriguez (Montalban), Rizal; Navotas Sanitary Landfill sa Navotas City; at Davao City Sanitary Landfill ay nagpapakita ng patuloy na kahinaan sa pagpapatupad ng mga umiiral na batas sa solid waste management.

Samantala, sinabi naman ni EcoWaste National Coordinator Aileen Lucero na patuloy na tumataas ang dami at pagiging nakalalason ng basurang nalilikha dahil mas sinasang-ayunan ng mga polisiya ang pagtatapon kaysa sa pag-iwas at pagbabawas ng basura.

“While [Republic Act] 9003, or the Ecological Solid Waste Management Act, mandates waste avoidance, segregation at source, and other best practices, national and local implementation is weak,” ayon kay Lucero.

Dagdag pa ni Lucero, patuloy na lumalala ang suliranin sa plastic pollution dahil sa kakulangan sa pagpapatupad ng RA 11898 o Extended Producer Responsibility law.

Muling nanawagan ang EcoWaste Coalition ng mahigpit na pagpapatupad ng RA 9003 at mas matibay na mga polisiya upang mabawasan ang basura, mahinto ang pagdepende sa landfill, at maiwasan ang waste-to-energy incineration.

Nauna nang iginiit ng Interfacing Development Interventions for Sustainability (IDIS), isang Davao-based environmental advocacy group, na ang insidente ay nagpapakita ng lumalaking hamon sa dami ng basurang pinangangasiwaan ng mga landfill sa bansa.

Nakasaad sa ensiklikal na Laudato Si’ ni Pope Francis ang kahalagahan ng pagbawas sa paggamit ng mga plastic at iba pang disposable materials upang mapigilan ang pagdami ng basurang nakasisira sa kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 65,044 total views

 65,044 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 95,266 total views

 95,266 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 121,917 total views

 121,917 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 216,890 total views

 216,890 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 233,708 total views

 233,708 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top