FFW, pinuri ang encyclical ni Pope Leo XIV na Magnifica Humanitas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,191 total reads

Kinilala ng Federation of Free Workers o FFW ang bagong encyclical ni Pope Leo XIV na Magnifica Humanitas.

Isinusulong ng Magnifica Humanitas ang responsableng paggamit ng Artificial Intelligence o AI para sa kabutihang panlahat at pangangalaga sa dignidad ng tao.

Nagpapasalamat ang FFW sa Santo Papa sa encyclical na mahalagang paalala sa mabilis na paglago ng digital economy at paggamit ng AI sa mga lugar ng trabaho.

Iginiit ni Ateneo de Davao Grade School Faculty Union President Arlene Golloso-Degayo at board member ng FFW na dapat magsilbi ang teknolohiya sa tao at hindi gawing “kasangkapan” o disposable data ang mga manggagawa.

“From factory machines during the Industrial Revolution to today’s ‘thinking machines,’ the Church reminds the world of one timeless principle: technology must serve the human person — not reduce the human person into a tool or disposable data,” ayon sa mensahe ni Degayo na pinadala ng FFW sa Radyo Veritas.

Ibinahagi naman ni FFW President Sonny Matula na maraming manggagawa ang nananatiling walang job security, living wage, social protection, at maayos na collective bargaining agreement sa kabila ng paglawak ng digital platforms.

Dahil dito, hinikayat ng grupo ang mga manggagawa sa digital economy na bumuo ng mga unyon, asosasyon, at workers’ collectives upang mas mapakinggan ang kanilang mga hinaing.

Binigyang-diin din ng FFW na habang tinatanggap nila ang pagbabago at pagtaas ng produktibidad, kinakailangan pa ring pairalin ang karapatang pantao, social justice, living wage, at pakikiisa ng mga manggagawa sa paghubog ng kinabukasan ng trabaho.

“The Holy Father’s message is clear: workers, the poor, and those in the peripheries of society must not be left behind by technological progress. They must be brought to the center of economic and political decision-making,”” ayon naman sa mensahe ni Atty.Matula na pinadala ng FFW sa Radyo Veritas.

Inihalintulad ng grupo ang Magnifica Humanitas sa Rerum Novarum ni Pope Leo XIII na tumugon noon sa hamon ng Industrial Revolution, habang ang bagong encyclical naman ay nakatuon sa mga hamon ng digital age at AI-driven economy.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 12,376 total reads

 12,376 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 93,619 total reads

 93,619 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 187,844 total reads

 187,844 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 248,334 total reads

 248,334 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 261,620 total reads

 261,620 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top