Pagputol ng malalaking puno sa Quirino avenue, kinondena ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,127 total reads

Mariing kinondena ng Caritas Philippines ang malawakang pagputol ng mga malalaking puno sa kahabaan ng Quirino Avenue sa Maynila na inilarawan nitong karahasang pangkalikasan laban sa mamamayan, lalo na sa mahihirap na higit na apektado ng matinding init, polusyon, at pagbaha.

Ayon kay Caritas Philippine President, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, hindi simpleng usaping teknikal o administratibo ang pagputol sa mga puno dahil matagal nang nagsisilbing proteksyon at “baga” ng komunidad ang mga ito para sa mga pasaherong araw-araw bumabiyahe, manggagawa, at pamilyang nakararanas ng matinding urbanisasyon.

Dagdag ni Bishop Alminaza, ginagawang kapalit ng tinatawag na kaunlaran ang pagkasira ng kalikasan at kapakanan ng mahihirap upang bigyang-daan ang panibagong expressway project sa lungsod.

“Why must “development” always demand the sacrifice of the vulnerable? Why are our cities designed for vehicles and concrete instead of for children, workers, pedestrians, and the elderly?” pahayag ni Bishop Alminaza.

Binigyang-diin din ng Caritas Philippines na hindi lahat ng legal sa papel ay moral na katanggap-tanggap, lalo na kung nagdudulot ito ng kawalang-katarungang pagtrato sa kalikasan at lalong nagpapahirap sa mga maralita.

Iniugnay din ni Bishop Alminaza ang insidente sa panawagan ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si’ laban sa “throwaway culture” na itinuturing na madaling isantabi ang kalikasan at mahihirap alang-alang sa pagpapalawak ng negosyo at imprastraktura.

“This is not stewardship. This is environmental injustice. The climate crisis is a present, urgent and unquestionable reality. In Manila, every mature tree destroyed is a moral failure. It is a wound inflicted on our common home,” giit ni Bishop Alminaza.

Nanawagan naman ang Caritas Philippines sa mga kinauukulan at contractor na agad ihinto ang pagputol ng mga puno, muling suriin ang mga proyekto batay sa katarungang pangkalikasan, at pakinggan ang mga pamayanang umaasa sa nalalabing luntiang espasyo sa lungsod para sa kanilang kaligtasan at kabuhayan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 62,737 total reads

 62,737 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Usapang klima

 2,492 total reads

 2,492 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 118,544 total reads

 118,544 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 239,124 total reads

 239,124 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 289,333 total reads

 289,333 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 234,744 total reads

 234,744 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top