Mananampalataya, hinimok ni Bishop Santos ng sama-samang panalangin ng Santo rosaryo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,373 total reads

Hinimok ni Bishop Ruperto Santos ang mga parokya at mananampalataya ng Diocese of Antipolo na aktibong makiisa sa pandaigdigang pagdarasal ng Santo Rosaryo para sa kapayapaan bilang tugon sa panawagan ni Pope Leo XIV.

Sa inilabas na circular letter ng obispo, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng sama-samang pananalangin habang patuloy na nakararanas ng digmaan, karahasan, at pagdurusa ang iba’t ibang bahagi ng mundo.

“I earnestly encourage all parishes, shrines, religious houses, ecclesial communities, and the lay faithful of the Diocese of Antipolo to participate actively in this prayer initiative,” ayon kay Bishop Santos.

Isasagawa ang worldwide Rosary sa May 30, 2026, alas-siyete ng gabi sa Roma sa harap ng Lourdes Grotto sa Vatican City na pangungunahan ng Santo Papa at ilalathala sa iba’t ibang dambana at komunidad sa buong mundo.

Hiniling din ng obispo sa mga parokya na magsagawa ng communal recitation ng Santo Rosaryo ayon sa lokal na oras at palawakin ang partisipasyon ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng parish announcements at digital platforms.

Naniniwala si Bishop Santos, na siya ring parish priest ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage, na mahalaga ang sama-samang pananalangin para makamtan ang tunay na kapayapaan at pagkakaisa ng mundo.

“May this united prayer of the Church become a powerful plea for reconciliation, justice, and lasting peace throughout the world,” ayon sa obispo.

Layunin ng pandaigdigang pagdarasal na pag-isahin ang mga mananampalataya sa pananalangin para sa kapayapaan sa mga bansang apektado ng kaguluhan at armadong tunggalian sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 13,844 total reads

 13,844 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 52,031 total reads

 52,031 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 70,241 total reads

 70,241 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 154,569 total reads

 154,569 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 191,268 total reads

 191,268 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 1,811 total reads

 1,811 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top