Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na tularan si San Felipe Neri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,463 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na tularan ang halimbawa ni San Felipe Neri sa pagiging misyonero sa sariling pamayanan sa pamamagitan ng masayang paglilingkod, pakikipagkapwa, at malasakit sa kapwa.

Ito ang mensahe ng kardinal sa pagdiriwang ng kapistahan ni San Felipe Neri sa San Felipe Neri Parish sa Mandaluyong City kung saan binigyang-diin nito na hindi kailangang lumayo upang maipahayag ang Mabuting Balita.

Ayon kay Cardinal Advincula, tulad ni San Felipe Neri na tinaguriang “Apostol ng Roma,” ang bawat Kristiyano ay tinatawagan ding maging saksi ng paghilom, pagkakaisa, at muling pagsilang ng pananampalataya sa sariling tahanan at komunidad.

“Hindi natin kailangang lumayo upang maging misyonero. Ang ating tahanan, pamayanan, simbahan, at lipunan ay hitik sa mga pusong sugatan, nawawalan ng pag-asa, at naghahanap ng liwanag ni Kristo,” ayon kay Cardinal Advincula.

Ipinaalala rin nito na ang tunay na ebanghelisasyon ay hindi lamang sa pamamagitan ng pangangaral kundi sa simpleng kabutihan at masayang paglilingkod sa araw-araw.
“Hindi kailangang maging tanyag o makapangyarihan upang maipakilala si Hesus. Sa simpleng kabutihan, tapat na pakikipagkapwa, at masayang paglilingkod sa araw-araw, maaari nating ihatid ang liwanag ni Kristo sa iba,” ani Cardinal Advincula.

Binigyang-buhay naman ng pamayanan ng San Felipe Neri Parish ang mensahe ng kardinal sa pamamagitan ng outreach program para sa mga jeepney at tricycle drivers na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon kay Parish Pastoral Council President Maria Gudelia Cacdac-Guese, inilunsad ng parokya ang “Neri Outreach: Handog kay Manong Driver” bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ngayong taon.

Sa loob ng siyam na araw ng nobena, inimbitahan ng parokya ang mga driver na dumalo sa misa bago tumanggap ng grocery packs at bigas na nagkakahalagang P1,500 na pinondohan mula sa isinagawang fun run at mga donasyon ng iba’t ibang ministry ng simbahan.

“Kasi ang talagang focus ng fiesta ay para sa mga mahihirap… Hindi lamang magbibigay, kundi pati ang kanilang espirituwal na buhay ng kanilang sektor ay mabigyan din namin ng tuon,” pahayag ni Guese sa Radyo Veritas.

Umabot sa 100 jeepney at tricycle drivers mula sa mga rutang Boni, Hulo, at mga karatig-barangay ang natulungan ng programa.

Umaasa rin si Guese na sa pamamagitan ng mga homiliya at pagkilala kay San Felipe Neri ay muling manumbalik sa pananampalataya ang ilan sa mga dumalo sa outreach.

“Kung mayroon doon na napariwara, sana sila manumbalik sa pagsimba ulit, sa pananampalataya ulit,” saad ni Guese.

Plano rin ng parokya na ipagpatuloy ang mga outreach at fundraising activities upang mas marami pang mahihirap at sektor ng lipunan ang matulungan bilang konkretong pagsasabuhay ng misyon ng ebanghelisasyon sa pamayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 13,845 total reads

 13,845 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 52,032 total reads

 52,032 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 70,242 total reads

 70,242 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 154,570 total reads

 154,570 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 191,269 total reads

 191,269 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 1,812 total reads

 1,812 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top