Executive Secretary Recto, kinasuhan ng plunder sa Ombudsman

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,515 total reads

Nagsampa ng reklamong plunder at technical malversation sa Office of the Ombudsman si physician at public health advocate, Dr. Tony Leachon laban kina Finance Secretary Ralph Recto at iba pang opisyal ng gabinete.

Kaugnay ito ng paglilipat ng ₱60 bilyong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at ₱107 bilyon mula sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).

Sa pamamagitan ng Nabua Law Office, iginiit ni Leachon na labag sa Universal Health Care Law at mga probisyon ng Sin Tax Law ang paglilipat ng pondo ng PhilHealth sa National Treasury dahil nakalaan ito para sa serbisyong pangkalusugan ng mga indigent member at primary care programs.

“This claim collapses under the Universal Health Care Law and Sin Tax earmarking provisions, which mandate that these funds remain within PhilHealth to support indigent members and primary care,” pahayag ni Leachon.

Ayon kay Leachon, nagresulta ang naturang hakbang sa kakulangan sa pondo ng PhilHealth mula 2023 hanggang 2025, hindi nabayarang mga ospital, at kakulangan sa suporta para sa cancer at dialysis programs.

Iginiit din niya na pinahina ng paglilipat ng ₱107 bilyong pondo mula sa PDIC ang proteksyon para sa mga depositor at bumaba ang tiwala ng publiko sa sistema.

Kabilang sa mga isinampang reklamo ang paglabag sa Republic Act No. 7080 o Plunder Law at Article 220 ng Revised Penal Code kaugnay ng technical malversation.

Nilinaw naman ni Leachon na hindi pulitika ang isinusulong ng kaso kundi pananagutan sa maling paggamit ng pondong inilaan para sa kalusugan at kapakanan ng mamamayan.

“Sec. Recto has alluded that this issue is being “fanned” by politicians… No rhetoric can erase the human cost of these diversions,” ayon kay Leachon.

Nanindigan ang doktor na patuloy niyang isusulong ang kaso bilang pribadong mamamayan para sa integridad at kapakanan ng susunod na henerasyon ng mga Pilipino.

“Power does not excuse betrayal. Integrity must prevail,” giit ni Leachon.

Binibigyang-diin sa Katuruang Panlipunan ng Simbahan na ang pampublikong pondo ay dapat ilaan para sa kabutihan ng nakararami, lalo na ng mahihirap, alinsunod sa katarungang panlipunan at prayoridad sa mga dukha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 49,087 total reads

 49,087 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 128,784 total reads

 128,784 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 162,231 total reads

 162,231 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 197,529 total reads

 197,529 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 422,140 total reads

 422,140 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 156,899 total reads

 156,899 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top