Renewable energy roadmap, panawagan ng REnew Mindoro sa LGU

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,609 total reads

Nanawagan ang REnew Mindoro sa pamahalaang panlalawigan ng Oriental Mindoro na bumuo ng pangmatagalang renewable energy roadmap kasabay ng pagtugon sa lumalalang krisis sa enerhiya sa lalawigan.

Ang REnew Mindoro ay isang renewable energy campaign na suportado ng Simbahan na pinangungunahan ng Diocese of Calapan Social Action Center at ng Center for Energy, Ecology, and Development (CEED).

Suportado ng grupo ang hakbang ni Oriental Mindoro Governor Humerlito “Bonz” Dolor na tipunin ang mga pangunahing energy stakeholders upang tugunan ang patuloy na rotational brownouts sa lalawigan.

Ayon kay REnew Mindoro lead convener at Calapan DSAC Director, Fr. Edwin Gariguez, mahalaga ang agarang pagtugon ngunit kinakailangan ding maglatag ng pangmatagalang solusyon na nakatuon sa renewable energy.

“The steps outlined, like reviewing contracts, coordinating fuel supply, and calling for conservation, are necessary, and we fully support them. We now ask that the provincial government take the next and more lasting step: a concrete renewable energy roadmap for Oriental Mindoro,” pahayag ni Fr. Gariguez.

Nauna nang inamin ng provincial government na maaaring magpatuloy hanggang Mayo at Hunyo ang rotational brownouts bunsod ng kakulangan sa suplay ng kuryente at pagdepende sa mamahaling emergency power supply agreements.

Sa isinagawang emergency dialogue noong May 18, 2026, iniulat ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) na nasa 56.5 megawatts lamang ang dependable power supply kumpara sa mahigit 75 megawatts na peak demand na naitala noong May 11.

Iginiit ng REnew Mindoro na ipinapakita ng krisis ang kahinaan ng labis na pagdepende sa hydroelectric power nang walang pinagsamang renewable energy sources tulad ng solar, wind, at hydro power.

“When a province depends heavily on hydro alone, a dry season becomes a crisis,” ayon sa grupo.

Ibinahagi rin ng REnew Mindoro na lumalakas ang suporta ng mga pamayanan sa renewable energy matapos lumagda ang pitong parokya ng Diocese of Calapan sa solar energy contracts na may kabuuang 200 kilowatt-peak sa isinagawang REnew Mindoro Investment Summit noong April 30.

Patunay ito, ayon kay Fr. Gariguez, na handa ang mga parokya, kooperatiba, mangingisda, magsasaka, at mga katutubong komunidad na itaguyod ang malinis at sustenableng enerhiya bilang pangmatagalang solusyon sa krisis sa kuryente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 19,014 total reads

 19,014 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 104,782 total reads

 104,782 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 142,154 total reads

 142,154 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 173,414 total reads

 173,414 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 245,394 total reads

 245,394 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 77,791 total reads

 77,791 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top