Pansamantalang pagpapahinto sa tree-cutting sa QUIRINO avenue, kinilala ng Kalikasan PNE

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,770 total reads

Kinilala at tinanggap ng Kalikasan People’s Network for the Environment (Kalikasan PNE) ang pansamantalang pagpapahinto at pagsusuri sa tree-cutting operations sa kahabaan ng Quirino Avenue sa Maynila para sa Southern Access Link Expressway (SALEX) project na kaugnay ng San Miguel Corporation (SMC), kasunod ng malawakang protesta ng mga mamamayan at makakalikasang grupo.

Ayon kay Kalikasan PNE national coordinator Cathleen de Guzman, ang desisyon ay bunga ng sama-samang pagkilos at patuloy na pagbabantay ng mga komunidad, environmental defenders, at iba’t ibang laban sa patuloy na pagputol ng mga puno sa Metro Manila.

“Malinaw na bunga ito ng sama-samang pagkilos at pagbabantay ng mamamayan. Kung hindi nag-ingay at nagprotesta ang mga komunidad at organisasyon, tuloy-tuloy lamang ang pagputol ng mga puno,” pahayag ni de Guzman.

Gayunman, iginiit ng grupo na nagbubukas ito ng mas malalim na usapin ng pananagutan at pamamahala sa kalikasan.

Binatikos din ng Kalikasan PNE ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagpapahintulot sa proyekto sa kabila ng malawak at hindi na mababawing epekto nito sa kalikasan.

“Dapat managot at patuloy na singilin ang DENR. Hindi dapat nagsisilbing rubber stamp ang ahensya para sa mga proyektong pinapaboran ang malalaking korporasyon kapalit ng kalikasan at kapakanan ng mamamayan,” giit ni de Guzman.

Iginiit din ng grupo ang pananagutan ng mga ahensiya ng pamahalaan at pinuna ang mga malalaking proyektong imprastraktura sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakapipinsala sa kalikasan.

Binigyang-diin ng Kalikasan PNE na hindi dapat tumigil sa suspensyon ang usapin, lalo’t mahigit 200 puno na ang nawala dahil sa proyekto.

Inihayag din ng grupo na magsasampa sila ng kaso laban sa mga responsable sa mapaminsalang pagputol ng mga puno at sa kabiguan sa pamamahala sa kalikasan.

Sa huli, iginiit ng Kalikasan PNE na ang pangyayari ay patunay ng lakas ng kolektibong pagkilos ngunit nagpapakita rin ng sistemikong suliranin sa pangangalaga sa kalikasan sa bansa.

“Ang laban para sa kalikasan ay hindi natatapos sa isang suspensyon. Patuloy nating ipaglalaban ang tunay na pananagutan at makakalikasang kaunlaran para sa mamamayan,” saad ni de Guzman.

Binigyang-diin sa Laudato Si’ ni Pope Francis na ang pangangalaga sa kalikasan ay moral na tungkulin na kaakibat ng katarungan, pananagutan, at pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 40,014 total reads

 40,014 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 77,699 total reads

 77,699 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 112,996 total reads

 112,996 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 339,266 total reads

 339,266 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 230,235 total reads

 230,235 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 153,725 total reads

 153,725 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top