When Tolerated, Evils Become Systems, Bishop Alminaza sa Toboso 19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 704 total views

Nagbahagi ng pagninilay si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kaugnay sa ika-40 araw mula nang maganap ang insidente ng “Toboso 19” noong Abril 19, 2026.

Binigyang-diin ng Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice, and Peace ang kahalagahan ng pag-alala, pananalangin, at pananagutan kaugnay sa naganap na trahedya.

Sa Pastoral Reflection ni Bishop Alminaza na pinamagatang “When Tolerated Evils Become Systems,” sinabi ng Obispo na may malalim na pastoral, kultural, at teolohikal na kahulugan ang ika-40 araw dahil ito ay panahon ng pagluluksa, pag-alala, pagsama sa mga yumao, at pagsusuri ng konsensya bilang sambayanan, ngunit nagsisilbi rin itong paanyaya ng pananagutan at pagbabagong-loob para sa mga nabubuhay.

“Today marks forty days since the tragedy now remembered as the Toboso 19. In our Filipino Christian tradition, the fortieth day is more than a marker of passing time. It is a sacred moment of remembrance, mourning, prayer, and reflection. We accompany the dead with love. We accompany grieving families with solidarity. But we also allow grief to question us… For forty days, many have waited for truth, healing, accountability, and assurance that such suffering will not simply disappear into public forgetfulness.” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Alminaza.

Ayon sa Obispo, higit na mapanganib kaysa sa pagkalimot ang unti-unting pagtanggap sa mga bagay na hindi dapat maging normal.

Pagbabahagi pa ni Bishop Alminaza inilantad ng naganap na Toboso 19 ang mas malalalim na suliranin sa lipunan kabilang ang kahirapan, kawalan ng seguridad sa lupa at kabuhayan, patuloy na karahasan, at kawalan ng tiwala sa mga institusyon.

Tinukoy rin ng Obispo ang epekto ng misinformation at digital polarization sa paghubog ng reaksyon ng publiko, gayundin ang unti-unting pagkalimot sa mga pagkamatay hanggang sa maging ordinaryong datos o tala na lamang ang mga ito.

“The danger before us is not only forgetting. The greater danger is normalization. It is the gradual acceptance of what should never become normal. This is what we have repeatedly called tolerated evil. The deaths of the Toboso 19 confront us with realities deeper than a single incident. They force us to look again at wounds that have long existed in our communities: poverty that excludes, insecurity over land and livelihood, violence that people slowly learn to live with, and institutions that struggle to earn public trust.” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

Tinukoy rin ni Bishop Alminaza ang epekto ng misinformation at digital polarization sa paghubog ng reaksyon ng publiko, gayundin ang unti-unting pagkalimot sa mga pagkamatay hanggang sa maging ordinaryong datos o tala na lamang ang mga ito na nagiging dahilan upang maituring na “disposable” ang buhay ng ilang tao.

Babala pa ni Bishop Alminaza, kapag paulit-ulit na nakararanas ng karahasan, gutom, displacement, at exclusion ang mga komunidad, nanganganib na mabuo ang tinatawag na “globalization of indifference” kung saan nagiging ordinaryo na lamang ang pagdurusa at kamatayan.

Ipinaliwanag din nito ang katuruan ng Simbahang Katolika hinggil sa “structures of sin” o mga sistemang nakaugat sa kasalanan na maaaring makita sa mga institusyon, polisiya, kultura, teknolohiya, at ekonomiya.

“When communities repeatedly experience violence, insecurity, displacement, hunger, or exclusion, society risks developing what Pope Francis once described as the globalization of indifference. Deaths become statistics. Suffering becomes ordinary. Fear becomes normal. Injustice becomes expected. This is how tolerated evils begin transforming into structures of sin.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Ayon sa Obispo, ang kapayapaan ay hindi lamang nangangahulugan ng kawalan ng armadong tunggalian sa halip ay nangangailangan ng katarungan, dignidad, at ng pagsasama ng buong komunidad.

“Peace cannot simply mean the absence of armed conflict. Peace requires justice. Peace requires dignity. Peace requires inclusion. As we often remind ourselves, there can be no peace without justice. There can be no justice without truth. There can be no truth without listening.” Bahagi pa ng pagninilay ni Bishop Alminaza.

Iginiit din ni Bishop Alminaza na mahalaga ang katotohanan, pakikinig, at pananagutan upang magsimula ang paghilom ng mga sugat ng lipunan.

Binigyang-diin din ng Obispo na hindi maaaring manatiling tahimik o tagamasid lamang ang Simbahan sa gitna ng pagdurusa ng mamamayan.

“The Church cannot remain merely an observer. We are called to become what we have repeatedly affirmed: a Church of the WE, a Church of encounter, a Church of conscience rather than comfort, a Church that enlarges the space of the tent, and a Church that refuses to normalize suffering.” Ayon pa kay Bishop Alminaza.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NUMBER’S GAME

 11,360 total views

 11,360 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 17,489 total views

 17,489 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 47,631 total views

 47,631 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 68,441 total views

 68,441 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 89,895 total views

 89,895 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

No one is above the law-Bishop Bagaforo

 4,183 total views

 4,183 total views Nanawagan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pananagutan at patas na pagpapatupad ng batas kaugnay ng mga

Read More »

Pope Leo XIV, pinuri ng SCMP

 4,211 total views

 4,211 total views Naglabas ng pahayag ang Student Christian Movement of the Philippines kaugnay sa unang encyclical ni Pope Leo XIV na “Magnifica Humanitas,” kung saan

Read More »

EJK Truth Commission, itinatag

 8,115 total views

 8,115 total views Pormal nang inilunsad ang isang independent at civilian-led Truth Commission na magsisilbing truth-seeking body upang bumuo ng kapani-paniwala at pampublikong tala at imbestigasyon

Read More »
Scroll to Top