Pagpapanibago at pagpapasigla sa BEC, tiniyak ni Bishop Abarquez

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,722 total reads

Tiniyak ni Calbayog Bishop Isabelo Abarquez ang patuloy na pagpapanibago at pagpapasigla ng Basic Ecclesial Communities (BECs) bilang pangunahing pastoral na prayoridad ng diyosesis sa diwa ng Synod on Synodality.

Sa kanyang liham pastoral na may pamagat na “Journeying Together: A Pastoral Letter on the Renewal and Revitalization of the Basic Ecclesial Communities in the Spirit of Synodality,” sinabi ng obispo na pinili ng Diocese of Calbayog na ituon ang pansin sa pagpapalakas ng mga BEC bilang kongkretong paraan ng pagsasabuhay ng isang Simbahang nakikinig, nakikilahok at sama-samang naglalakbay.

“The Diocese of Calbayog chose to focus on the strengthening and revitalization of our Basic Ecclesial Communities,” ayon kay Bishop Abarquez.

Binigyang-diin ng obispo na higit pa sa isang programa o istruktura ang BEC dahil ito ay isang mahalagang pagpapahayag ng pagiging Simbahan.

“The BEC is not simply a program or structure but a concrete way of being Church — a Church that listens, accompanies, participates, serves, and journeys together,” ani ng obispo.

Ayon sa obispo, bunga ng malawakang konsultasyon at mga pagpupulong na isinagawa sa anim na bikaryato ng diyosesis ay nabuo ang mas malinaw na istrukturang pang-organisasyon para sa mga BEC upang higit na mapalakas ang koordinasyon, pananagutan at pakikilahok ng mga mananampalataya sa buhay ng Simbahan.

Gayunman, nilinaw ni Bishop Abarquez na hindi lamang pagbabago sa istruktura ang layunin ng inisyatibo.

“This renewal effort is not merely structural. Structures alone cannot renew the Church,” giit ng obispo.

Umaasa rin si Bishop Abarquez na higit na magiging buhay ang mga BEC bilang mga pamayanang nakasentro kay Kristo, nagkakaisa sa panalangin, aktibong nakikibahagi sa misyon ng Simbahan at tumutugon sa pangangailangan ng mga pamilya at komunidad.

Tinuran din ng obispo ang mahalagang tungkulin ng mga pastol sa pagpapatuloy at pagpapatupad ng mga programa ng simbahan tulad ng BEC gayundin hinimok ang mga relihiyoso at relihiyosa na gabayan ang mga komunidad sa pamamagitan ng kanilang mga karisma sa paglilingkod.

Kinilala rin ni Bishop Abarquez na maaaring may kaakibat na hamon at pagtutol ang isinasagawang pagbabago ngunit hinimok ang mga mananampalataya na huwag mawalan ng pag-asa.

“As we move forward, there may be challenges, adjustments, uncertainties and even resistance. Yet we should not be afraid,” aniya.

Iginiit ng obispo na ang synodality ay hindi isang pansamantalang proyekto kundi isang paraan ng pamumuhay bilang Simbahan.

“Synodality is not a temporary project; it is a way of living as Church — walking together, listening to one another, learning from one another, discerning together and journeying together toward God’s Kingdom,” dagdag pa ni Bishop Abarquez.

Isinapubliko ni Bishop Abarquez ang kanyang pastoral letter ngayong May 31 kasabay ng pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Santatlo at Basic Ecclesial Community Sunday.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 124,364 total reads

 124,364 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 199,784 total reads

 199,784 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 233,233 total reads

 233,233 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 268,531 total reads

 268,531 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 490,185 total reads

 490,185 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top