Maging instrumento ng kapayapaan ang sports, prayer intention ni Pope Leo ngayong Hunyo 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,511 total reads

Inilaan ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang kaniyang prayer intention para sa buwan ng Hunyo 2026 para sa pagsusulong ng mga pagpapahalagang hatid ng sports o palakasan bilang daan ng kapayapaan, pagkakaisa, at paghubog ng mabuting pakikipagkapwa.

Partikular na hinimok ng Santo Papa ang mga mananampalataya na ipanalangin na maging instrumento ang sports o palakasan ng pagtatagpo at dayalogo ng iba’t ibang kultura at bansa sa gitna ng mga pagkakaiba at hamon ng makabagong panahon.

Binigyang-diin ng Santo Papa na higit pa sa kompetisyon at tagumpay ang tunay na diwa ng sports sapagkat ito ay maaaring magsilbing paraan upang mapalalim ang respeto, pagkakaisa, disiplina, at malasakit sa kapwa.

Ayon kay Pope Leo XIV, sa pamamagitan ng sports ay nahuhubog ang pagpapahalaga sa pagtutulungan, patas na pakikitungo, at paggalang sa dignidad ng bawat tao anuman ang kultura, lahi, o pinagmulan.

“Let us pray that sports be an instrument of peace, encounter, and dialogue among cultures and nations, and that they promote values such as respect, solidarity, and personal growth.” panalangin ni Pope Leo XIV para sa buwan ng Hunyo.

Una ng inihayag ng Santo Papa na mahalaga ang papel ng sports sa paghubog ng mga kabataan hindi lamang sa aspetong pisikal kundi maging sa kanilang pagkatao at pakikisalamuha sa komunidad.

Kasabay nito, nanawagan si Pope Leo XIV sa iba’t ibang bansa at pamayanan na gamitin ang sports bilang tulay ng pagkakaunawaan at kapayapaan lalo na sa panahong maraming lipunan ang nahaharap sa hidwaan, diskriminasyon, at pagkakahati-hati.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 67,825 total reads

 67,825 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 103,386 total reads

 103,386 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 138,686 total reads

 138,686 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 364,956 total reads

 364,956 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 254,544 total reads

 254,544 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top