Tema ng 2026 world day of prayer for the care of creation, inilabas ng Vatican

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,857 total views

Inanunsyo ng Vatican ang tema para sa 2026 World Day of Prayer for the Care of Creation na nakatuon sa panawagan para sa kapayapaan at pangangalaga sa kalikasan.

Pinili ni Pope Leo XIV ang temang “They shall beat their swords into plowshares and their spears into pruning hooks,” na hango sa aklat ni Propeta Isaias para sa pagdiriwang sa September 1, 2026.

Ayon sa Dicastery for Promoting Integral Human Development, binibigyang-diin ng mensahe ng Santo Papa ang ugnayan ng digmaan at pagkasira ng kalikasan na nagsisilbing pangmatagalang banta sa buhay ng daan-daang milyong katao sa buong mundo.

“Such degradation constitutes both a serious violation of our duty to care for creation, as well as a long-term threat to the lives of hundreds of millions of people,” ayon sa dicastery.

Iginiit ng Vatican na sa kabila ng lumalawak na kamalayan hinggil sa epekto ng digmaan sa mga likas na yaman, nananatiling kulang ang mga institusyon at responsableng hakbang upang maiwasan ang mga sigalot at malutas ang mga alitan sa mapayapang paraan.

Dagdag pa ng pahayag, ang napiling tema ay nagsisilbing paanyaya upang unahin ang pag-unlad, kapayapaan, at pagpapanatili ng kalikasan sa halip na karahasan at pagkasira.

“The title — a passage in which Isaiah prophesies the transformation of weapons into agricultural tools — is an explicit invitation to prioritize development and sustainability over violence and destruction.

Ang World Day of Prayer for the Care of Creation ay taunang ginugunita tuwing September 1 bilang pagkakataon upang pagnilayan ng mga mananampalataya ang kanilang pananagutan sa pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng katarungang pangkapaligiran.

Hudyat din ito para sa pagdiriwang ng Season of Creation sa buong mundo sa buong buwan ng Setyembre hanggang Oktubre 4, ang Kapistahan ni San Francisco ng Assisi, ang patron ng sangnilikha.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 132 total views

 132 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 33,214 total views

 33,214 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 61,565 total views

 61,565 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 129,295 total views

 129,295 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 152,438 total views

 152,438 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top