Italaga ang sarili sa birhen ng Guadalupe, paanyaya ng CBCP sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,180 total views

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na italaga ang sarili sa Mahal na Birhen ng Guadalupe kaugnay ng pagbisita sa bansa ng Madre Peregrina de Guadalupe mula Mexico ngayong taon.

Sa inilabas na pastoral exhortation, sinabi ni CBCP President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera na ang pagdating ng pilgrim image ay pagkakataon upang mapalalim ang pananampalataya at debosyon ng mga Pilipinong Katoliko.

“During her visit to churches across our nation, we are called by Our Lady of Guadalupe to consecrate ourselves to her as our Blessed Mother,” ayon kay Archbishop Garcera.

Mula June 13 hanggang December 12, 2026, bibisitahin ng replica image ng Our Lady of Guadalupe at ng imahe ni San Juan Diego ang iba’t ibang katedral, dambana at mga parokya sa bansa bilang bahagi ng pandaigdigang paghahanda para sa ika-500 anibersaryo ng mga aparisyon ng Birhen ng Guadalupe sa 2031.

Ayon pa sa CBCP, layunin ng pagbisitang ito na palalimin ang pakikipagtagpo ng mga mananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Birhen at buhayin ang pananampalataya ng Simbahan.

Binigyang-diin din ni Archbishop Garcera ang tunay na layunin ng paglalakbay ng banal na imahen sa bansa.

“This visit aims to bring us, Filipinos, closer to Our Lord Jesus Christ and our Blessed Mother,” dagdag ng arsobispo.

Ang pagbisita ng Madre Peregrina de Guadalupe ay bahagi ng Novena Intercontinental Guadalupana, isang pandaigdigang programa ng debosyon na naghahanda para sa paggunita sa limang siglo ng Guadalupan Event sa taong 2031.

Pangungunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang pagbubukas sa pilgrimage tour ng imahe sa June 13 sa isang misa sa Manila Cathedral ganap na alas 3 ng hapon.

Tampok din sa sa pilgrim tour ang pagbisita ng imahe sa Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception sa Ozamiz City sa July 6 hanggang 8 kung saan magbubuklod ang lahat ng mga obispo sa Pilipinas para sa kanilang plenary assembly.

Noong 2001, ginawang obligatory memorial ng CBCP ang December 12, ang araw ng kapistahan ng Our Lady of Guadalupe, habang noong 2002 naman, kinilala ito bilang “Pro-Life Patroness of the Philippines” bilang tugon sa pandaigdigang kilusan na ipagkatiwala sa kanyang pangangalaga ang mga unborn children.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 8,072 total views

 8,072 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 41,154 total views

 41,154 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 69,505 total views

 69,505 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 137,235 total views

 137,235 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 159,725 total views

 159,725 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top