Ecological justice at integral ecology, panawagan ng pari sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,311 total reads

Nanawagan si Fr. Edwin Gariguez, convenor ng Protect Verde Island Passage Network at director ng Social Action Center ng Diocese of Calapan, na palalimin ang pananagutan ng mamamayan sa kalikasan sa pamamagitan ng ecological justice at integral ecology.

Sa kanyang pagninilay na “Riverside Reflection on Integral Ecology,” binigyang-diin ni Fr. Gariguez na ang ugnayan sa kalikasan ay nagbubukas ng mas malalim na pag-unawa sa moral at espiritwal na aspeto ng pangangalaga sa sangnilikha.

Ayon sa pari, ang katarungang pangkalikasan ay bahagi ng pananampalataya na naglalayong ibalik ang tamang ugnayan ng tao sa Diyos, kapwa, at kalikasan.

“Creation is not merely a resource for human use, but a life-giving ecosystem that we treasure as our home. From this perspective, ecological justice becomes central to faith,” pagninilay ni Fr. Gariguez.

Iginiit din ni Fr. Gariguez na ang krisis pangkalikasan ay isang usaping moral na nangangailangan ng pananagutan at pagkilala sa halaga ng bawat nilalang.

Binigyang-diin niya na ang tunay na pagpapanatili o sustainability ay nagmumula sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat at paggalang sa hangganan ng kalikasan.

“This perspective challenges conventional patterns of consumption and development, especially when they disregard ecological balance and social equity. Instead, it proposes a mode of living in which individuals collaborate and harmonize with the earth, fostering both the rights of nature and authentic human flourishing,” ayon kay Fr. Gariguez.

Ibinahagi rin ng pari ang halimbawa ng mga katutubong Mangyan sa Mindoro na nagpapakita ng kongkretong pagsasabuhay ng integral ecology, kung saan ang lupa ay itinuturing na sagradong biyaya at hindi pag-aari.

Dagdag ni Fr. Gariguez, ang pamumuhay ng mga Mangyan ay patunay na posible ang komunidad na nakabatay sa paggalang sa kalikasan at sama-samang pananagutan.

“It affirms that genuine development must be rooted in the preservation of ancestral domains, respect for indigenous lifeways, and the nurturing of relationships that sustain life. In this light, the Mangyan experience does not merely complement the vision of Laudato Si’; it concretizes it, offering a living testimony that ecological spirituality is both possible and necessary in responding to the crises of our time,” ayon sa pari.

Binigyang-diin din ng pari na hindi maaaring paghiwalayin ang pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapakanan ng mahihirap, dahil sila ang higit na naaapektuhan ng krisis pangkalikasan.

“Integral ecology, therefore, presents a holistic vision that unites ecological justice, sustainable communities, advocacy for the marginalized, and renewed stewardship of our common home,” giit ni Fr. Gariguez.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 31,437 total reads

 31,437 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 82,311 total reads

 82,311 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 130,182 total reads

 130,182 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 234,130 total reads

 234,130 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 318,651 total reads

 318,651 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 165,812 total reads

 165,812 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top