National Shrine and Parish of Saint Padre Pio, isa nang international shrine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,097 total reads

Kinumpirma ng National Shrine and Parish of Saint Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas, na pinagkalooban ng Vatican ng dekreto para sa pag-angat ng dambana bilang isang international shrine.

Ayon sa pamunuan ng dambana, inilabas ang dekreto noong May 25, 2026 sa tanggapan ng Dicastery for Evangelization sa Vatican City, kasabay ng ika-139 na anibersaryo ng kapanganakan ni San Padre Pio.

“The National Shrine and Parish of St Padre Pio has received the decree from the Holy See granting its elevation to an INTERNATIONAL SHRINE,” ayon sa pahayag ng dambana.

Kasunod nito, inaanyayahan ng dambana ang mga mananampalataya na makiisa sa mga paghahanda at patuloy na manalangin para sa opisyal na deklarasyon ng international shrine sa Setyembre 23, kapistahan ni San Padre Pio.

“As we joyfully receive this blessing, let us continue to pray and prepare for the solemn declaration of our International Shrine on September 23, the Feast Day of St. Padre Pio,” ayon pa sa pahayag.

Umaasa rin ang dambana na magsisilbing inspirasyon ang pagkilalang ipinagkaloob ng Vatican upang higit pang mapalalim ang pananampalataya at debosyon ng mga mananampalataya.

Matatandaang matagal nang isinusulong ng Arkidiyosesis ng Lipa ang pagkilala sa dambana bilang pandaigdigang dambana.

Kabilang sa mga tampok sa aklat ng Arkidiyosesis ng Lipa na inilunsad noong January 13, 2024, na may pamagat na “Enlarging the Space of our Tent,” ang kahilingang maitaas sa antas ng international shrine ang dambana ni San Padre Pio dahil sa patuloy na pagdagsa ng mga deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Itinatag ang dambana noong 2003, idineklara bilang archdiocesan shrine noong 2008, at itinaas bilang national shrine noong 2015, bago ngayon pinagkalooban ng Vatican ng dekreto para sa pagiging international shrine.

Ang National Shrine and Parish of Saint Padre Pio ang kauna-unahang dambana sa Pilipinas na itinalaga kay San Padre Pio, isa sa mga pinakatanyag na banal ng Simbahang Katolika na kilala sa kanyang malalim na buhay-pananalangin at pagmamahal sa Sakramento ng Kumpisal.

Ito na ang magiging ikalawang international shrine sa Pilipinas kasunod ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral sa lalawigan ng Rizal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 30,186 total reads

 30,186 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 81,133 total reads

 81,133 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 129,004 total reads

 129,004 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 232,952 total reads

 232,952 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 317,547 total reads

 317,547 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top