Modernisasyon ng DOLE, pinasimulan ni Tolentino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,352 total reads

Isinusulong ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino ang higit na modernisasyon sa National Labor Relations Commission (NLRC) upang mapabilis at maisaayos ang paghahatid ng katarungan para sa mga manggagawa.

Sa kanyang pagbisita sa tanggapan ng NLRC, nakipagpulong si Tolentino kay NLRC Chair Grace Maniquiz-Tan at iba pang opisyal upang talakayin ang mga hakbang na magpapalakas sa kasalukuyang sistema ng komisyon.

Giit ng kalihim, hindi niya layuning baguhin ang maayos nang operasyon ng NLRC kundi magdagdag lamang ng mga pagbabago upang higit pang mapabuti ang serbisyo nito.

“”[I am] not overhauling the existing functioning, well-oiled system, but adding some 2%, 3% of innovation, which is part of my DNA… without disrupting what you are doing,” ayon sa mensahe ni Tolentino na pinadala ng DOLE sa Radyo Veritas.

Kabilang sa mga plano ng kalihim ang pagtatatag ng National Academy for Labor Justice na magsisilbing sentro ng pagsasanay para sa mga labor arbiter, commissioner, at mga abogado ng DOLE upang higit pang mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagresolba ng mga kaso sa paggawa.

Suportado rin ni Tolentino ang plano ng NLRC na magbukas ng mga satellite office sa mga lokal na pamahalaan, partikular sa mga lugar na may mataas na bilang ng labor cases tulad ng National Capital Region, Central Luzon, at CALABARZON Region.

Binigyang-diin pa ng kalihim ang pagpapalawak ng Government Internship Program (GIP) ng DOLE sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga unibersidad upang maitalaga ng mga law at information technology students bilang mga paralegal at IT personnel na tutulong sa operasyon ng NLRC.

Ayon kay Tolentino, mahalagang magkaisa ang lahat ng sektor upang matiyak na mabilis, naayon , at maaasahan ang sistemang naghahatid ng katarungan sa mga manggagawang Pilipino.

“We hope we can move as one, in single cadence, in making sure that what you are doing is what the Filipinos should expect and secure,” bahagi pa ng mensahe ni Tolentino na pinadala ng DOLE sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, kahanay ang adbokasiya ni Tolentino sa Laborem Exercens na ensiklikal ni Saint John Paul II at Rerum Novarum na ensiklikal naman ni Pope Leo XIII na pinaigtingn na pagkilala at pagpapahalaga ng Simbahang Katolika sa pagtataguyod ng katarungan sa paggawa at ang pagtiyak na napapangalagaan ang dignidad at karapatan ng bawat manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 207,172 total reads

 207,172 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 241,845 total reads

 241,845 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 257,745 total reads

 257,745 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 294,234 total reads

 294,234 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 300,517 total reads

 300,517 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top