Naval Task Group 84, kasali sa RIMPAC exercise sa Hawaii

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,876 total reads

Binasbasan ni Lt. Colonel Father Elmer Basas ng Philippine Navy Fleet Captain ang mga uniformed personnel ng Naval Task Group 84 na maglalayag lulan ng BRP Miguel Malvar patungong Hawaii upang makiisa sa idadaos na Rim of the Pacific o RIMPAC Exercise.

Ito ay upang matiyak ang paggabay ng Panginoon, mapanatiling ligtas at maipanalangin ang matagumpay na pakikiisa ng Philippine Navy sa gawain.

Isinagawa ito sa send-off ceremony sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales kung saan pinangunahan ni Philippine Navy Flag Officer In Command Vice Admiral Jose Ma Ambrosio Ezpeleta ang pagpapadala sa contingent ng hukbong dagat para sa multinational maritime exercise.

Ayon kay Ezpeleta, mahalaga ang muling paglahok ng Philippine Navy sa RIMPAC matapos ang huling deployment noong 2022 dahil ipinakikita nito ang patuloy na pagtupad ng hukbong dagat sa layunin na maging isang “credible partners” sa ilalim ng SAIL Plan 2040 habang pinapalakas ang ugnayan sa mga kaalyadong bansa upang maisulong ang isang malaya at nagdadayalogong Indo-Pacific region.

Lalahok ang BRP Miguel Malvar at mga uniformed navy personnel nito sa iba’t ibang professional exchanges at operational activities kasama ang 31 na mga hukbong dagat ng magkakaibang bansa.

Binigyang-diin naman ni Ezpeleta ang kahalagahan ng propesyonalismo, disiplina, at kahusayan ng mga tauhan na kakatawanin ang Pillipinas sa pagsasanay dahil bahagi rin ito ng patuloy na pagsisikap ng Philippine Navy na mahasa ang interoperability, mapalakas ang maritime partnerships, at higit na mapaunlad ang kakayahan sa ibat-ibang maritime operations ng hukbong dagat sa pamamagitan ng mga makatotohanan at komplikadong pagsasanay.

“I trust that every sailor and marine who will embark on this mission will demonstrate excellence and a forward-looking mindset in everything that you will do – epitomizing a new era of maritime capability for the Philippines,” bahagi pa ng mensahe ni Vice Admiral Ezpeleta na pinadala ng Philippine Navy sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, patuloy ding hinihikayat ng Simbahang Katolika ang pagsusulong ng kapayapaan, kooperasyon, at pagkakaisa ng mga bansa upang mapanatili ang seguridad at katatagan sa mga karagatan at iba pang bahagi ng daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 207,103 total reads

 207,103 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 241,776 total reads

 241,776 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 257,676 total reads

 257,676 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 294,165 total reads

 294,165 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 300,453 total reads

 300,453 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top