Disinformation ng 18 ex-Marines, gawain ng demonyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,571 total reads

Nilinaw ni Cubao Bishop Elias Ayuban Jr., CMF ang usapin kaugnay sa pagkakadawit kay Arnold Janssen Kalinga Foundation founder, Fr. Flavie Villanueva, SVD, sa mga paratang hinggil sa pagpapadala ng maletang may lamang salapi, kasunod ng mga pahayag sa pagdinig ng Senado noong Hunyo 4.

Ayon kay Bishop Ayuban, walang parokya o simbahan na ipinagkatiwala sa Society of the Divine Word (SVD) sa Mindanao Avenue o sa mga kalapit na lugar.

Iginiit pa ng obispo, sa loob lamang ng Diocese of Cubao matatagpuan ang presensya ng SVD sa Sacred Heart Parish-Shrine sa Kamuning, Sto. Niño de Violago Quasi-Parish, at Divine Word Shrine sa E. Rodriguez Avenue.

Kasunod nito, mariing tinukoy ni Bishop Ayuban ang pagpapakalat ng maling impormasyon bilang gawain ng kasinungalingan na nagdudulot ng kalituhan at pagkakahati-hati sa lipunan.

“Disinformation is the work of the devil, the father of lies (Jn 8:44). It sows confusion, division, and mistrust—things that run contrary to the Gospel,” pahayag ni Bishop Ayuban.

Hinimok din ng obispo ang publiko na maging mapagmatyag sa katotohanan at iwasan ang pagpapakalat ng maling impormasyon, kasabay ng panawagan para sa responsableng pamamahayag at pakikipag-ugnayan sa kapwa.

“Let us then be vigilant in seeking and speaking the truth, for falsehood is never from God. Let us work together to combat disinformation and uphold the truth with charity and responsibility,” ayon kay Bishop Ayuban.

Nauna nang itinanggi ng AJ Kalinga Foundation ang mga alegasyong iniuugnay kay Fr. Villanueva at inihayag na magsasagawa ito ng mga kaukulang legal na hakbang laban sa mga nagpakalat ng maling paratang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 34,448 total reads

 34,448 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 85,057 total reads

 85,057 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 132,928 total reads

 132,928 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 236,876 total reads

 236,876 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 321,223 total reads

 321,223 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 165,936 total reads

 165,936 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top