Pagretiro ni Bishop Mercado, tinanggap ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,998 total reads

Pormal nang tinanggap ni Pope Leo XIV ang pagreretiro ni Parañaque Bishop Jesse Mercado kasabay ng kanyang ika-75 kaarawan, ang itinakdang mandatory retirement age para sa mga obispo.

Kasabay nito, itinalaga ng Santo Papa si Bishop Elias Ayuban Jr., CMF ng Cubao bilang apostolic administrator ng Diocese of Parañaque sa panahon ng sede vacante.

Si Bishop Mercado, na tubong Santa Cruz, Manila, ay inordinahang pari noong March 19, 1977. Noong February 25, 1997, itinalaga siya ni Saint John Paul II bilang auxiliary bishop ng Archdiocese of Manila at pormal na inordinahang obispo noong March 31 ng parehong taon.

Nang itatag ni Saint John Paul II ang Diocese of Parañaque noong December 7, 2002 para sa mga lungsod ng Parañaque, Las Piñas at Muntinlupa, itinalaga rin niya si Bishop Mercado bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis.

Bago naging auxiliary bishop ng Maynila, nagsilbi si Bishop Mercado bilang rector ng Pontificio Collegio Filippino sa Roma at ng Holy Apostles Senior Seminary sa Makati. Naging professor at spiritual director din siya sa pre-college department ng San Carlos Seminary, spiritual director ng San Pablo Regional Seminary sa Baguio City, at parochial vicar ng San Isidro Parish sa Pasay City.

Samantala, itinalaga si Bishop Ayuban bilang obispo ng Cubao noong October 4, 2024 at pormal na naluklok sa diyosesis noong December 3 ng parehong taon.
Sa kasalukuyan, anim na ecclesiastical jurisdictions sa Pilipinas ang nasa ilalim ng sede vacante; ang mga diyosesis ng Ilagan, Kabankalan, Masbate, Parañaque at Tagbilaran, gayundin ang Apostolic Vicariate of Jolo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 38,075 total reads

 38,075 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 88,473 total reads

 88,473 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 136,344 total reads

 136,344 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 240,292 total reads

 240,292 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 324,433 total reads

 324,433 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top