Apostolic Vicariate of Taytay Palawan at Diocese of Tarlac, nakiisa sa YSLEP telethon 2026

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 344 total views

Nakiisa ang Diocese of Tarlac at Apostolic Vicariate of Taytay Palawan sa isinasagawang Caritas Manila Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) telethon 2026 na may temang sa “Opening Doors, Transforming Lives” sa Radyo Veritas, Ang Radyo ng Simbahan.

Nanawagan din si Apostolic Vicariate of Taytay Bishop Broderick Pabillo at Bishop Roberto Mallari sa mga Pilipino na suportahan ang YSLEP Telethon 2026 na layong makalikom ng sapat na pondong ipangtustos sa pag-aaral nang may limang libong YSLEP scholars sa kolehiyo.

Ayon kay Bishop Pabillo, mahalaga ang pakikiisa ng publiko sa pamamagitan ng panalangin at pagbibigay ng donasyon sa anumang makakayanang halaga upang matulungan ang mga kabataang nais makapag-aral ngunit nahaharap sa kawalan ng pagkakataon dulot ng kahirapan.

Sinabi ng Obispo na kasabay ng pagsisimula ng bagong school year ay ang patuloy din na paghahanap ng Caritas Manila ng mga kabataang maaaring matulungan sa kanilang pag-aaral sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

“Alam po natin na mayroon pong maraming mga kabataan na deserving naman, ngunit hindi makapag-aral sa kawalan ng financial resources ang family kaya mayroon tayong YSLEP” paanyaya ni Bishop Pabillo.

Kinatigan ni Bishop Mallari ang kahalagahan ng paggamit ng Caritas Manila nang edukasyon bilang mabisang kasangkapan laban sa kahirapan dahil nabubuksan nito ang mga pagkakataon tungo sa tunay na pag-unlad.

Naniniwala si Bishop Mallari na sa pamamagitan ng edukasyon ay makakapagtapos ng kurso sa kolehiyo ang mga mahihirap na estudyante para mapaunlad ang pamumuhay at makatulong sa komunidad gayundin sa kapwa.

Hinihikayat ng Obispo ang mga Pilipino na magsama-sama sa pagtutulungan upang labanan ang kahirapan sa bansa.

Ipinagdarasal din ni Bishop Mallari na pagpalain ng panginooon ang mga YSLEP scholar ng Caritas Manila.

“Nawa’y pagpalain ang ating mga scholars ng YSLEP Caritas Manila na nagmumula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Ang kanilang edukasyon ay susi sa pag-angat ng kanilang buhay at sa pag-unlad ng ating bayan. Magsama-sama po tayo upang suportahan ang kanilang mga pangarap sa pamamagitan ng telethon na ito,” ayon sa mensaheng pinadala ni Bishop Mallari sa Radyo Veritas.

Ang YSLEP ay pangunahing scholarship at values formation programs ng Caritas Manila na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga mahihirap na kabataan na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng mas maayos na kinabukasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 57,859 total views

 57,859 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 53,728 total views

 53,728 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 89,930 total views

 89,930 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 98,292 total views

 98,292 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 122,806 total views

 122,806 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top