Bishop Mangalinao, nagpaabot ng pakikiisa at panalangin sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,875 total reads

Nagpaabot ng panalangin at pakikiisa si Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao para sa mga biktima ng malakas na lindol sa Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao.

Sa panayam ng Radyo Veritas, inihayag ng obispo ang pakikiisa ng Simbahan sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, mga nasugatan, at mga nawalan ng tahanan at kabuhayan dahil sa pagyanig.

Hiniling ni Bishop Mangalinao sa Diyos ang agarang paggaling ng mga nasugatan at pag-aliw sa mga nagdadalamhati, gayundin ang lakas ng loob para sa mga pamilyang patuloy na nangangamba matapos ang sakuna.

Ipinapanalangin din ng obispo ang mga rescuer, medical workers, volunteers, at mga lingkod-bayan na patuloy na nagsasagawa ng search, rescue, at relief operations sa mga apektadong lugar.

Sa gitna ng patuloy na pagyanig at takot ng mga residente, iginiit ni Bishop Mangalinao na ang Diyos ang sandigan at kanlungan ng mga nananatiling apektado ng trahedya, at umaasang manaig ang pagkakaisa at malasakit sa gitna ng krisis.

Niyanig ng magnitude 7.8 na lindol ang Sarangani noong Hunyo 8, na may epicenter sa baybayin ng lalawigan, habang ayon sa Philippine Institute of Volcanology ang Seismology (PHIVOLCS) ay patuloy na nararanasan ang mga aftershock at posibleng magtagal pa sa mga susunod na araw.

Batay naman sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa humigit-kumulang 45 ang kumpirmadong nasawi, 487 ang nasugatan at 17 indibidwal ang nawawala at patuloy na pinaghahanap.

PANALANGIN PARA SA MGA BIKTIMA NG LINDOL SA MINDANAO

Ama naming mapagmahal at mahabagin,
Sa mga sandaling ito ng pangamba at pagdurusa dulot ng malakas na lindol sa Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao, lumalapit kami sa Iyo nang may buong pagtitiwala.

Yakapin Mo po ng Iyong pag-ibig ang lahat ng naapektuhan ng kalamidad. Pagalingin Mo ang mga nasugatan, aliwin ang mga nawalan ng mahal sa buhay, at bigyan ng lakas ng loob ang mga pamilyang nawalan ng tahanan at kabuhayan.

Gabayan Mo ang mga rescuers, medical workers, volunteers, at lahat ng mga lingkod-bayan na nagsisikap maghatid ng tulong at pag-asa sa mga nangangailangan. Pagkalooban Mo sila ng kaligtasan, karunungan, at tibay ng loob sa kanilang misyon.

Panginoon, sa gitna ng mga pagyanig ng lupa at ng aming mga puso, ipaalala Mo sa amin na Ikaw ang aming matibay na kanlungan at tanggulan. Nawa’y manaig ang pagkakaisa, malasakit, at pananampalataya upang sama-sama naming mapagtagumpayan ang pagsubok na ito.

Sa tulong ng Mahal na Birheng Maria, Ina ng Pag-asa, at sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 71,699 total reads

 71,699 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 116,375 total reads

 116,375 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 138,577 total reads

 138,577 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 175,068 total reads

 175,068 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 391,323 total reads

 391,323 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 102,255 total reads

 102,255 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top