Help Mindanao, panawagan ng SLP sa sambayanang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 765 total views

Nanawagan si Sangguniang Laiko ng Pilipinas National President Bro. Albert Loteyro sa mga layko at lahat ng mananampalataya na magkaisa sa panalangin at konkretong pagtulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng naganap na 7.8-magnitude na lindol sa Mindanao.

Sa kanyang mensahe, tiniyak ni Loteyro sa mga biktima ng kalamidad ang pakikiisa sa kanilang pagharap sa takot, pagdadalamhati, at kawalang-katiyakan dahil kaisa ng mga biktima ng lindol ang buong Simbahan sa diwa ng pakikiisa, malasakit, at pag-asa.

“The Sangguniang Laiko ng Pilipinas, joins in prayer all our brothers and sisters affected by the recent earthquake in Mindanao. In this time of fear, loss, and uncertainty, we want them to know that they are not alone. The entire Church stands with them in solidarity, compassion, and hope.” Bahagi ng pahayag ni Loteyro sa Radyo Veritas.

Hinikayat din ni Loteyro ang mga lay leaders sa iba’t ibang Diocesan Councils of the Laity at mga National Lay Organizations na magsama-sama at mag-organisa ng mga hakbang upang matugunan ang agarang pangangailangan ng mga naapektuhang komunidad sa Mindanao.

Ayon kay Loteyro, ” As one family in Christ, we are called to open not only our hearts in prayer, but also our hands in service. In moments like this, our faith comes alive through acts of mercy, kindness, and generosity. Whatever help we can offer, no matter how small, becomes a sign of God’s love for those who are suffering. We lovingly appeal to our lay leaders in the different Diocesan Councils of the Laity and National Lay Organizations to come together, to organize, and to respond with compassion to the urgent needs of our brothers and sisters in Mindanao.”

Tiniyak din ni Loteyro ang pananalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na paginhawahin ng Panginoon ang mga nagdadalamhati, palakasin ang mga natatakot, pangalagaan ang mga higit na nangangailangan, at gamitin ang lahat bilang kasangkapan ng Kanyang kagalingan at kapayapaan.

Binigyang-diin ni Loteyro na sa panahon ng sakuna, higit na naipapakita ng mga Kristiyano ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng awa, kabutihan, at pagkakawanggawa para sa kapwa.

Panawagan din ni Loteyro na ipagpatuloy ang sama-samang pananalangin, pagmamalasakit, at pagkilos bilang iisang Katawan ni Kristo para sa pagbangon ng mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya pero bihag pa rin

 36,363 total views

 36,363 total views Mga Kapanalig, sa dalawang araw, ipagdiriwang natin ang Araw ng Kalayaan. Ngunit taun-taon nating tinatanong: tunay nga ba tayong malaya? Para masagot ito,

Read More »

Mga bisyong tayo rin ang may gawa

 49,940 total views

 49,940 total views Mga Kapanalig, nanawagan kamakailan ang grupong TobaccoOFF Now! na tuluyan nang ipagbawal ang mga vapes at e-cigarettes. Ang TobaccoOFF Now! ay binubuo ng

Read More »

Papalayô sa tunay na demokrasya

 78,504 total views

 78,504 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 127,603 total views

 127,603 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 120,658 total views

 120,658 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top