Kalayaan sa kahirapan, katiwalian at kawalang-katarungan, hindi pa rin natatamasa ng mga Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,571 total reads

Sa paggunita ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, binigyang-diin ni Fr. Angel Cortez, OFM, co-executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), na hindi pa ganap na natatamasa ng maraming Pilipino ang bunga ng kalayaan dahil sa patuloy na kahirapan, katiwalian, at kawalang-katarungan.

Sa tulang pinamagatang “Pilipinas, Malaya Nga Ba?”, inilarawan ni Fr. Cortez ang mga hamong kinakaharap ng bansa sa kabila ng kalayaang nakamit nito mula sa mga dayuhang mananakop.

“Malaya nga ba ang bayang ito kung marami ang walang tinig na marinig, kung ang katotohanan ay nababaon sa ingay, at ang katarungan ay tila mailap na awit?” ayon kay Fr. Cortez.

Iginiit ng pari ang patuloy na nararanasang kahirapan ng maraming Pilipino habang nasasangkot naman sa mga usapin ng katiwalian ang ilang nasa kapangyarihan.

Binigyang-pansin din niya ang kultura ng takot, maling paggamit ng kapangyarihan, at paglimot sa tunay na diwa ng paglilingkod-bayan.

Nagpahayag din si Fr. Cortez ng pagkabahala sa mga kabataang nawawalan ng pag-asa sa kanilang kinabukasan sa sariling bayan.

“Malaya nga ba kung ang kabataan ay nangangarap umalis, sapagkat sa sariling lupain ay hirap silang makita ang bukas?” dagdag pa ni Fr. Cortez.

Sa kabila nito, binigyang-diin ng paring Franciscano na nananatiling buhay ang pag-asa dahil sa mga mamamayang patuloy na nagmamahal, naglilingkod, at nagsusulong ng kabutihan sa lipunan.

Ipinaalala rin niya na ang tunay na kalayaan ay hindi lamang nasusukat sa mga seremonya at pagdiriwang kundi sa pagtataguyod ng katotohanan, katarungan, at dignidad ng bawat tao.

Ayon sa pari, magiging ganap lamang ang kalayaan ng bansa kapag walang mamamayang naiiwan sa laylayan, may tunay na pananagutan ang mga nasa kapangyarihan, at may pantay na pagkakataon ang lahat na makibahagi sa paghubog ng kinabukasan.

“Kaya’t Pilipinas, malaya ka pa lamang nang ganap kapag walang naiiwan sa laylayan, kapag ang kapangyarihan ay tunay na pananagutan, at kapag ang bawat mamamayan ay may lugar sa mesa ng kinabukasan,” saad ni Fr. Cortez.

Hinamon din ni Fr. Cortez ang mamamayan na patuloy na suriin ang kalagayan ng bansa at pagnilayan ang tunay na kahulugan ng kalayaan para sa bawat Pilipino.

Pormal na idineklara ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa kolonyal na pamamahala ng Espanya noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite, sa pangunguna ni General Emilio Aguinaldo, kasabay ng pagwawagayway ng watawat at pagpapatugtog ng pambansang awit.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 10,774 total reads

 10,774 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 10,901 total reads

 10,901 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 19,917 total reads

 19,917 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 76,323 total reads

 76,323 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 199,824 total reads

 199,824 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 284,200 total reads

 284,200 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,269 total reads

 175,269 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top