Panalangin para sa mga social workers, ipinag-utos ng CBCP sa lahat ng diyosesis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,813 total reads

Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga obispo at tagapangasiwa ng mga diyosesis sa bansa na isama sa mga banal na misa sa Hunyo 19 ang natatanging panalangin para sa mga Pilipinong social worker bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Filipino Social Workers’ Day.

Sa liham sirkular, sinabi ni CBCP President, Lipa Archbishop Gilbert Garcera na ang hakbang ay tugon sa panibagong kahilingan ng mga miyembro ng propesyon ng social work at pagpapatuloy ng naging positibong pagtanggap sa kaparehong inisyatiba sa mga nagdaang taon.

Ayon kay Archbishop Garcera, mahalagang maipadama ng Simbahan ang espirituwal na pakikiisa sa mga social worker na tahimik na naglilingkod sa mga pinakamahihirap at higit na nangangailangan sa lipunan.

“These men and women labor in challenging contexts — accompanying children in need of care and protection, assisting families in crisis, supporting women in difficult situations, and responding to communities affected by poverty and disaster,” pahayag ni Archbishop Garcera.

Binigyang-diin din ng arsobispo na ang kanilang paglilingkod ay sumasalamin sa mga pagpapahalagang itinataguyod ng Ebanghelyo tulad ng habag, katarungan, at pagtatanggol sa dignidad ng bawat tao.

Dahil dito, hinikayat niya ang mga obispo na mag-alay o magpatupad ng banal na misa sa Hunyo 19 para sa lahat ng mga Pilipinong social worker at, kung maaari, ay maiparating din ang nasabing intensyon sa mga parokya at relihiyosong komunidad sa kanilang nasasakupan.

“Such a simple yet meaningful gesture of prayerful remembrance will surely be a source of encouragement and spiritual strength for those engaged in this demanding vocation of service, and a sign of the Church’s closeness to them,” dagdag ni Archbishop Garcera.

Idineklara ang Filipino Social Workers’ Day tuwing Hunyo 19 sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 1176 bilang pagkilala sa mahalagang ambag ng mga social worker sa pagtataguyod ng kapakanan, dignidad, at karapatan ng mamamayan, lalo na ng mga mahihirap at mahihinang sektor ng lipunan.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 10,742 total reads

 10,742 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 10,869 total reads

 10,869 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 19,849 total reads

 19,849 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 76,255 total reads

 76,255 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 199,756 total reads

 199,756 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 284,137 total reads

 284,137 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 175,267 total reads

 175,267 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top