Sama-samang tulong pinansiyal para sa naapektuhan ng lindol, panawagan ni Bishop Cañete

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,551 total reads

Nanawagan si Gumaca Bishop Euginius Cañete, MJ, ng sama-samang panalangin at tulong pinansyal para sa mga naapektuhan ng malakas na lindol sa Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao.

Sa kanyang Liham Sirkular, ipinabatid ng obispo ang pakikiisa ng Simbahan sa mga biktima ng kalamidad kasunod ng panawagan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

“Ipinahahayag ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang taos-pusong pakikiramay at pakikiisa sa ating mga kapatid na naapektuhan ng lindol na tumama sa Lalawigan ng Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao noong ika-8 ng Hunyo 2026,” bahagi ng liham sirkular ni Bishop Canete.

Bilang tugon sa pangangailangan ng mga nasalanta, inatasan ng obispo ang lahat ng parokya ng diyosesis na isama sa Panalangin ng Bayan sa mga Misa para sa Ika-11 Linggo sa Karaniwang Panahon ang natatanging panalangin para sa mga biktima ng lindol.

Kabilang sa panalangin ang kahilingang “aliwin ng Panginoon ang mga nagdadalamhati, pagalingin ang mga nasugatan, patatagin ang mga nakikibahagi sa pagsagip at pagtulong, at pabilisin ang pagbangon ng mga nasalantang pamayanan.”

Ipinag-utos din ni Bishop Cañete ang pagsasagawa ng “Second Collection” o espesyal na koleksyon sa mga Misa upang makalikom ng pondo na ipapadala sa mga apektadong lugar na nasasakop ng Diocese of Marbel para sa rehabilitasyon.

“Maglalaan ng ‘Second Collection’ (o special collection) upang maipagkaloob sa mga gawaing rehabilitasyon para sa mga nasalanta ng nasabing lindol,” ayon sa obispo.

Paliwanag ni Bishop Cañete na ang lahat ng malilikom na donasyon ay agad na ibibigay sa Social Action Center ng diyosesis upang matiyak ang maayos at wastong pamamahagi ng tulong sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng kalamidad.

Hinimok naman ng obispo ang mga mananampalataya na tumugon sa panawagan ng pagkakawanggawa at pakikiisa sa mga nangangailangan.

“Nawa’y maging bukás ang ating puso sa panawagang ito ng pagdamay, at sa ating pagtutulungan ay maipadama natin ang habag at pag-ibig ng Diyos sa mga higit na nangangailangan,” pahayag ni Bishop Cañete.

Tiniyak ng obispo ang patuloy na panalangin para sa katatagan, paghilom, at pagbangon ng mga mamamayang apektado ng malakas na lindol, at ipinagkatiwala sa pamamatnubay ng Mahal na Birheng Maria ang bawat isa.

RCAM, magsasanay ng emergency management

 8,877 total reads

 8,877 total reads Magsasagawa ang Archdiocese of Manila ng pagsasanay sa emergency management para ihanda ang mga parokya at tanggapan ng Simbahan sa pagtugon sa mga

Read More »

Digmaan hindi kabanalan- Pope Leo XIV

 9,004 total reads

 9,004 total reads Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga lider ng iba’t-ibang relihiyon na itaguyod ang kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin, diyalogo at pag-uusap sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bunga ng araw-araw na karahasan

 16,580 total reads

 16,580 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 72,986 total reads

 72,986 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

MADALDAL KULANG SA GAWA

 196,487 total reads

 196,487 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 281,044 total reads

 281,044 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top