Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 143,075 total reads

Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na sinasabi ring isang conditioning training). Malayo pa sana ang mararating nina Rene Baterbonia and Divine Adili kung hindi nangyari ang malagim na aksidenteng bumawi sa kanilang buhay. Nakikisimpatya rin tayo sa pamantasang bugbog ngayon ng batikos sa kabila ng ginagawa nitong paraan para malaman ang totoong nangyari. Siguradong may mga nagkulang, at dapat managot ang mga nagpabayâ.

Pero ang kapansin-pansin ay napakarami nang sumasawsaw sa isyu. Wala namang masamang makiramay sa pamilya; nakalulungkot lang na sinasamantala na ang nangyaring trahedya. May mga pulitikong dumadalaw sa burol, nagsuot ng unipormeng may pangalan ng manlalaro, at nagpakuha ng mga larawan. Kahit nga artista, bumibisita. Panay padala din ng naglalakihang bulaklak ang mga personalidad. Sa Senado at Mababang Kapulungan ng Kongreso, may mga mambabatas na naghain ng resolusyon para imbestigahan ang pangyayari. May imbestigasyon din daw ang DILG para malaman kung may kapabayaan sa panig ng coaching staff at ng pamunuan ng Ateneo. Patuloy din ang imbestigasyon ng NBI at PNP bagamat napatunayan nang walang foul play, walang hazing o pagpapahirap na naganap, at ang ikinamatay ng dalawa ay asphyxia by drowning o pagkalunod. Pati ang DOLE, pinatatawag ang dayuhang coach ng Ateneo basketball team para ipakita kung meron siyang alien employment permit.

Samantala, kung sinusubaybayan ninyo ang balita sa social media, siguradong nababasa ninyo ang mga posts at comments na tila pinangungunahan ang imbestigasyon at ang ligal na proseso para malaman kung sinu-sino ang dapat managot. Sila pa nga ang unang nagpapakalat ng mga video at larawan na hindi naman sila awtorisadong isapubliko. Nagpupuyos sila sa galit at pagkamuhi sa coach ng basketball team, maging sa administrasyon ng unibersidad. Ginagamit nila ang pangyayari para kuwestiyunin ang kredibilidad ng mga pari, alumni, at estudyante ng Ateneo na nangunguna sa mga pagkilos para panagutin ang mga tiwali sa gobyerno. May mga ginagamit din ang isyu para palitawin ang agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, pati ang agwat sa pagitan ng Maynila at Mindanao, kung saan galing si Rene Baterbonia. Parang mas alam pa nila ang mga nangyayari at ang mga dapat na mangyari.

Gaya ng mga pulitikong nakikiramay, wala rin namang masama sa pagbibigay ng opinyon sa nangyaring trahedya. Pero dapat maging tapat tayo sa intensyon ng pagbibigay natin ng ating “say”, ‘ika nga. Tumutulong ba ito para mapukaw ang atensyon ng iba at alamin din ang katotohanan? O nang-iintriga lang tayo o nag-aambag sa agenda ng mga nais samantalahin ang sitwasyon? Baka naman “mema” lang din tayo—may masabi lang. Katulad ng mga pulitiko, baka nakikisawsaw lang.

Sabi nga ni Pope Leo XIV, “Information is a public good that we should all protect.” Hindi ito dapat gamitin para sa paglikha ng pagkakahati-hati na pinakikinabangan ng mga sakim sa atensyon, kapangyarihan, at impluwensya. Tayo naman, bilang mga kumokonsumo ng impormasyon lalo na mula sa social media, ay dapat na maging mapagkilatis at mapanuri. Hindi lahat ng napapanood at nababasa natin ay totoo. Hindi lahat ng opinyon ay may bigat, lalo na ang mga walang lohika, walang ebidensya, at walang malinaw na layunin kundi ang manggulo, manira, at manloko. Sabi nga sa 2 Pedro 2:3, mag-ingat tayo sa mga nanlilinlang gamit ang kanilang mga umano’y aral at kathang-isip para sa kanilang kasakiman. Mag-ingat tayo sa mga sumasawsaw. Bantayan din natin ang ating sarili laban sa pakikisawsaw. 

Mga Kapanalig, ipagdasal natin ang mga pamilya ng dalawang basketbolistang nagdadalamhati. Sa ngayon, ito ang mas kailangan nila, hindi ang pakikisawsaw ng kung sinu-sino.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 40,124 total reads

 40,124 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 79,556 total reads

 79,556 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 186,435 total reads

 186,435 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 231,099 total reads

 231,099 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 251,274 total reads

 251,274 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagnanakaw sa kabataan

 40,125 total reads

 40,125 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 79,557 total reads

 79,557 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 186,436 total reads

 186,436 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 231,100 total reads

 231,100 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »
Scroll to Top