Nakiisa sa Laudato Si Week 2026, binigyang-pugay ng LSM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,381 total reads

Nagbigay-pugay ang Laudato Si’ Movement sa libu-libong indibidwal, pamilya, parokya, diyosesis, at komunidad sa Asia-Pacific Region na nakiisa sa pagdiriwang ng Laudato Si’ Week 2026 sa pamamagitan ng iba’t ibang pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan.

Ayon sa LSM, kabilang sa mga naging gawain ang pagsasagawa ng Misa para sa pagninilay sa usapin ng nuclear energy sa South Korea, pagtatatag ng pocket forests sa Pilipinas, pagbabawas ng paggamit ng single-use plastics sa Australia, pagtatanim ng katutubong halaman sa New Zealand, pagdarasal ng Santo Rosaryo para sa kalikasan sa Indonesia, at pakikipagpalitan ng kaalaman sa mga magsasaka sa Vietnam.

“These diverse actions point to a simple but powerful reality: when small initiatives are connected, they become a strong collective witness for our common home,” pahayag ng LSM.

Kasabay nito, patuloy ring isinasakatuparan ng mga kalahok sa Laudato Si’ Animators Program ang kanilang Seed Projects bilang kongkretong tugon sa panawagan para sa integral ecology.

Sa Timor-Leste, nagsagawa ng coastal clean-up activity ang mga bagong Laudato Si’ Animators kasama ang mga kabataan at residente upang makatulong sa pangangalaga ng mga baybaying-dagat at mapalalim ang kamalayan sa kahalagahan ng marine ecosystems.

Sa Auckland, New Zealand naman, inilunsad ng isang parokya ang 15 minutong “Chaplet for Creation” bilang pagkakataon para sa eco-spiritual prayer at pagninilay, na positibong tinanggap ng mga mananampalataya.

Samantala, nagsagawa noong Hunyo 9 ng webinar ang iba’t ibang Catholic networks kabilang ang LSM upang ihanda ang mga diyosesis, parokya, pari, at Laudato Si’ Animators para sa pagdiriwang ng World Day of Prayer for Creation sa Setyembre 1 at ng mas malawak na Season of Creation.

Tinalakay sa webinar ang kahalagahan ng integral ecology at ang Mass for the Care of Creation o Missa Pro Custodia Creationis bilang mahalagang pagkakataon upang higit pang mapalalim ang liturhikal at pastoral na pagtugon ng Simbahan sa pangangalaga sa kalikasan.

Nanawagan ang LSM sa mga mananampalataya na ipagpatuloy ang kanilang ecological conversion at maging inspirasyon sa kapwa upang makibahagi sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan ng sangkatauhan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 53,776 total reads

 53,776 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 98,314 total reads

 98,314 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 168,491 total reads

 168,491 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 254,984 total reads

 254,984 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 298,004 total reads

 298,004 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 343,384 total reads

 343,384 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 196,658 total reads

 196,658 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top