Mananampalataya, inaanyayahan sa Golden Jubilee ng Diocese of Kalibo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,545 total reads

Inanyayahan ni Kalibo Bishop Cyril Villareal ang mga mananampalataya na makibahagi sa pagdiriwang ng Golden Jubilee ng Diocese of Kalibo bilang pasasalamat sa Diyos sa limang dekadang paglilingkod ng lokal na Simbahan.

Sa mensahe ng obispo na ibinahagi ng diyosesis, hinimok nito ang mga mananampalataya na magbuklod para sa pangunahing pagdiriwang.

“The event we have long awaited will finally take place on July 15, 2026. We will celebrate the Golden Jubilee of our diocese. We are now 50 years old as the Diocese of Kalibo,” ayon kay Bishop Villareal.

Sinabi ng obispo na magsisimula ang pagdiriwang sa ganap na alas-9 ng umaga sa Cathedral Parish of St. John the Baptist kung saan pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles John Brown, ang banal na misa, habang magbabahagi ng pagninilay si Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula.

Hinimok din ng obispo ang mga mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang bilang pagpapahayag ng pasasalamat sa Diyos.

“Share in our joy. Share in our thanksgiving to God for guiding our local Church in Kalibo over the past 50 years,” ayon pa kay Bishop Villareal.

Ayon pa sa obispo, ang naturang pagdiriwang ay hudyat ng pagsisimula ng mga nakahanay na gawain upang ipagdiwang ang limang dekadang pagmimisyon ng lokal na simbahan sa Aklan.

“The celebration will not end on July 15. Rather, it will mark the beginning of the many activities we have lined up for the rest of the year,” aniya.

Dagdag pa ni Bishop Villareal, mahalaga ang pagbubuklod ng halos isang milyong mananampalataya ng diyosesis bilang pasasalamat sa Diyos sa patuloy na paggabay sa kristiyanong pamayanan sa lugar.

“Together we can express our joy and thanksgiving to God, who is the source of all blessings and the reason we have reached this milestone of 50 years as the local Church of Kalibo,” giit ni Bishop Villareal.

Naitatag ang diyosesis noong 1976, na noo’y bahagi ng Archdiocese of Capiz, kung saan unang naitalagang pastol si Bishop Juan Nilmar.

Bago si Bishop Villareal, nagsilbing pastol din ng diyosesis sina Bishop Gabriel Reyes, Bishop Jose Romeo Lazo, at Bishop Jose Corazon Tala-oc.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 12,447 total reads

 12,447 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 111,505 total reads

 111,505 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 155,775 total reads

 155,775 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 178,886 total reads

 178,886 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 253,251 total reads

 253,251 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top