CBCP president, Panawagan sa kapwa Obispo na tiyaking umabot sa mahihirap ang mga pastoral na pahayag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,240 total reads

Hinimok ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, ang mga kapwa obispo ng bansa na tiyaking umaabot ang mga pastoral na pahayag hindi lamang sa loob ng Simbahan kundi maging sa mga Pilipinong nahaharap sa kahirapan at iba’t ibang suliranin sa lipunan.

Sa kanyang mensahe sa pagbubukas ng ika-132 plenary assembly ng CBCP, binigyang-diin ng arsobispo na dapat higit pang paigtingin ng Simbahan ang pagpapahayag ng Ebanghelyo sa mga mahihirap, nasa laylayan, at mga higit na nangangailangan ng malasakit sa lipunan.

“A question raised by some brother bishops during one of our meetings continues to challenge us. Are our pastoral statements reaching only our own ‘church choir’?” ayon kay Archbishop Garcera.

Ayon sa arsobispo, mahalagang suriin ng mga obispo kung tunay na nasasamahan ang kanilang kawan at kung ang mga mensahe ng Simbahan ay nakararating sa mga pamayanan at tumutugon sa aktuwal na kalagayan ng mga mamamayan.

“Whenever we issue pastoral statements, our desire is that they reach beyond official channels and truly touch the hearts of our people,” aniya.

Iginiit din ni Archbishop Garcera na hindi lamang usaping pampulitika ang dapat tugunan ng mga pastoral na pahayag kundi ang kabuuan ng buhay ng sambayanang Pilipino.

“Our statements should not only respond to political developments but also illuminate the many dimensions of Filipino life,” dagdag ng arsobispo.
Kasabay ng nalalapit na State of the Nation Address at ng nagpapatuloy na mga usaping pampulitika, sinabi ng pangulo ng
CBCP na nananatiling mahalagang pastoral na tungkulin ng Simbahan ang paghubog ng konsensiya ng mamamayan.

“Our mission is neither partisan nor ideological. It is fundamentally pastoral and moral. We are called to help form citizens whose consciences are shaped by truth, justice, solidarity, the common good, and responsible participation in public life,” ayon pa kay Archbishop Garcera.

Hinimok din niya ang mga obispo na ipagpatuloy ang pagsusulong ng pakikilahok ng mamamayan sa lipunan batay sa mga pagpapahalaga ng Ebanghelyo, kabilang ang sama-samang paninindigan laban sa katiwalian, political dynasty, at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Umaasa rin si Archbishop Garcera na makikilala ang CBCP hindi lamang bilang tagapagbigay ng opinyon kundi bilang tunay na moral na tinig ng lipunan sa pamamagitan ng tapat na pagsasabuhay ng Ebanghelyo at ng katuruang panlipunan ng Simbahan.

Binigyang-pugay rin niya ang iba’t ibang inisyatiba ng mga obispo sa pagtugon sa mahahalagang usapin sa bansa, kabilang ang Truth Commission na pinangungunahan ni Cardinal Pablo Virgilio David, mga programa sa mabuting pamamahala ni Archbishop Socrates Villegas, gayundin ang pagtataguyod sa pangangalaga sa kalikasan, karapatan ng mga katutubo, mga biktima ng extrajudicial killings, at pagtatanggol sa West Philippine Sea.

Tinukoy rin ni Archbishop Garcera ang tumataas na kaso ng sexual abuse, incest at rape, lumalalang suliranin sa mental health at pagpapatiwakal, gayundin ang pagbaba ng fertility rate bilang mga hamong nangangailangan ng sama-samang pastoral na pagtugon ng Simbahan.
Mahigit 80 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumadalo sa plenary assembly na isinasagawa mula July 8 hanggang 10 sa AMORAP sa Sinacaban, Misamis Occidental.
Dumalo rin sa pagbubukas ng pagtitipon si Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, na nagpaabot din ng mensahe ng Kanyang Kabanalan, Pope Leo XIV, para sa mga pastol ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 40,942 total reads

 40,942 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 138,460 total reads

 138,460 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 182,729 total reads

 182,729 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 205,838 total reads

 205,838 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 279,145 total reads

 279,145 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top