Expansion ng mining sa Kalinga, ikinababahala ng Apostolic Vicariate of Tabuk

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,839 total reads

Ikinabahala ng Social Action Center ng Apostolic Vicariate of Tabuk (AVT-SAC) ang posibleng panganib sa suplay ng tubig at seguridad sa pagkain sa Kalinga at ilang bahagi ng Isabela kapag nagpatuloy ang planong pagpapalawak ng pagmimina sa Balatoc, Pasil.

Ayon kay AVT-SAC Director Fr. Jeorge Manisem, nakikiisa ang Simbahan sa Indigenous Cultural Communities ng Balatoc at sa mga komunidad ng mga magsasaka sa ibabang bahagi ng ilog sa pagtatanggol sa kanilang lupaing ninuno, pinagkukunan ng tubig, at kabuhayan.

Binigyang-diin ng pari na ang anumang proyektong pangkaunlaran ay dapat gumalang sa karapatan ng mga katutubo, kabilang ang kanilang karapatan sa Free, Prior, and Informed Consent (FPIC).

“Any development initiative must fully respect the inherent rights of Indigenous Peoples and their absolute right to Free, Prior, and Informed Consent (FPIC), principles deeply grounded in law and the moral imperatives of justice, participation, and the common good,” pahayag ni Fr. Manisem.

Ipinaliwanag ng pari na bagama’t hindi mariing tinutulan ng mga komunidad sa ibabang bahagi ng ilog ang naunang operasyon ng Makilala Mining Company Inc. (MMCI), nakabatay ito sa katiyakang hindi maaapektuhan ang Pasil River, isang mahalagang tributary ng Chico River.

Gayunman, sinabi ni Fr. Manisem na ang isinusulong na panibagong malawakang operasyon ng isa pang mining company ay nagdudulot ng pangamba dahil maaari itong magbanta sa watershed, agrikultura, at seguridad sa tubig ng mga komunidad sa Kalinga at maging sa Quezon, Isabela.

Iginiit ng AVT-SAC na ang pagkasira ng Pasil at Chico River systems ay maaaring makaapekto sa mga sakahan at seguridad sa pagkain ng libu-libong pamilyang umaasa sa mga ilog na ito para sa irigasyon.

“The Pasil and Chico River systems are the lifeblood of our region’s rice granaries, and watershed degradation directly threatens the farms and food security of thousands of downstream Kalinga families,” ayon kay Fr. Manisem.

Dahil dito, nanawagan ang pari sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipagpaliban ang paglalabas ng anumang bagong permit at environmental clearance para sa mga pinagtatalunang mining expansion hanggang sa ganap na maresolba ang mga usapin sa komunidad at masunod ang mga itinakdang proseso sa batas.

Hinimok din ng AVT-SAC ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) na muling suriin ang mga nakabinbing aplikasyon sa pagmimina at pangunahan ang isang bukas at makatarungang dayalogo sa pagitan ng mga katutubo at iba pang sektor na maaapektuhan ng pagmimina.

“True progress must be measured by how well we protect our culture, our people, and our common home,” giit ni Fr. Manisem.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 10,229 total reads

 10,229 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 91,606 total reads

 91,606 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 185,831 total reads

 185,831 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 246,321 total reads

 246,321 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 259,732 total reads

 259,732 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,112 total reads

 70,112 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top