Malnutrition at obesity, patuloy na tumataas sa bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,585 total reads

Nagbabala ang isang nutrition expert na nananatiling hamon sa Pilipinas ang patuloy na pagtaas ng kaso ng malnutrition kasabay ng dumaraming bilang ng mga overweight at obese na Pilipino.

Sa panayam sa Barangay Simbayanan, sinabi ni Melvar Royeras, RND, Nutrition-Dietitian I ng Nutrition Foundation of the Philippines (NFP) na patuloy na nakararanas ang bansa ng mga kaso ng wasting o kakulangan sa timbang, stunting o pagkabansot, gayundin ng pagtaas ng overweight at obesity.

Ayon kay Royeras, isa sa mga hakbang ng pamahalaan upang matugunan ang problema ay ang pagpapatupad ng Philippine Nutrient Profile Model, na magsisilbing batayan sa paglalagay ng front-of-pack labels upang madaling matukoy ng mga mamimili kung mataas sa asukal, sodium, o saturated fat ang isang produkto.

Nilinaw rin ni Royeras ang isa sa mga karaniwang maling paniniwala ng mga Pilipino na kailangang alisin ang kanin sa pagkain upang pumayat.

“Ang kanin po ay hindi po natin kaaway. Kasi ito po ang source po natin ng energy. Ang mahalaga po ay yung dami ng pagkain, hindi po yung uri,” pahayag ni Royeras.

Hinikayat din niya ang publiko na sundin ang Pinggang Pinoy, kung saan kalahati ng plato ay dapat binubuo ng prutas at gulay, one-fourth ay isda o karne, at ang natitirang bahagi ay kanin o iba pang pinagkukunan ng carbohydrates.

Nagpaalala rin ang nutritionist na walang iisang diet na angkop sa lahat ng tao kaya’t mas mainam ang pangmatagalang pagsunod sa balanseng pagkain kaysa sa mga nauusong diet na nangangako ng mabilis na resulta.

“Ang diet po ay walang one size fits all. Ang pinopromote pa rin namin ay ang pagkakaroon ng sustainable practices at balanced diet kaysa sa mga diet na nagpa-promise ng mabilisang resulta,” dagdag ni Royeras.

Iminungkahi rin niya ang home gardening bilang praktikal na paraan upang magkaroon ng mas mura at mas sariwang gulay sa tahanan, habang nakatutulong din sa pagbawas ng food waste at pagsusulong ng mas malusog na pamumuhay.

Ipinagdiriwang ngayong Hulyo ang National Nutrition Month 2026 na may temang “Sa PPAN (Philippine Plan of Action for Nutrition): Sama-sama sa Nutrisyong Sapat para sa Lahat!” at may sub-theme na “Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 38,991 total reads

 38,991 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 136,691 total reads

 136,691 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 180,960 total reads

 180,960 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 204,069 total reads

 204,069 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 277,433 total reads

 277,433 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 145,331 total reads

 145,331 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top