Korte Suprema, hinimok na huwag patulan ang mga petisyon na i-delay ang impeachment trial

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,619 total reads

Nanawagan si dating Integrated Bar of the Philippines (IBP) President, Atty. Domingo “Egon” Cayosa sa Korte Suprema na huwag makialam sa nagpapatuloy na impeachment trial sa Senado upang igalang ang malinaw na mandatong nasasaad sa Konstitusyon na ang Senado ang may eksklusibong kapangyarihang dinggin at litisin ang mga kasong impeachment.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan ng Radyo Veritas, sinabi ni Atty. Cayosa na bagama’t karapatan ng sinuman ang magsampa ng petisyon sa Korte Suprema, hindi dapat maantala ang proseso ng impeachment na kasalukuyan ng umuusad at isinasagawa ng Senado.

“Sa tingin ko po hindi dapat patulan ng Supreme Court ‘yan. Sana hindi nila pakialaman ang trabaho ng Senado sapagkat malinaw naman sa ating Konstitusyon na pagdating sa impeachment, ang namamahala rito ay ang Senado,” Bahagi ng pahayag ni Atty. Cayosa sa Radyo Veritas.

Ayon pa sa dating pinuno ng IBP, tila malinaw ang layunin ng ilang petisyon na ihinto ang impeachment proceedings, bagay na aniya ay hindi na dapat maulit matapos batikusin ang naging pakikialam ng Korte Suprema sa mga naunang usapin kaugnay ng impeachment.

“Umuuusad na ang impeachment. Mas mahalaga na malaman nating lahat ang katotohanan at magpasya ang taumbayan at ang ating elected representatives kung sapat ba ang mga katotohanang ito para sa impeachment charges at para tanggalin ang isang mataas na opisyal ng gobyerno sa kanyang puwesto,” Dagdag pa ni Atty. Cayosa.

Sa pagtataya ni Atty. Cayosa sa unang tatlong araw ng paglilitis, sinabi nitong naging patas ang pagdinig at nabigyan ng sapat na pagkakataon ang magkabilang panig upang ihayag ang kanilang mga argumento.

“So far so good naman. Patas naman, nabigyan ng pagkakataon ang magkabilang panig. Ang mga abogado, parehong magaling both sides at kung may issue, nareresolba naman,” Ayon pa kay Atty. Cayosa

Gayunman, hinikayat niya ang mga Senador na limitahan ang labis na pagtutok sa mga teknikalidad upang higit na mapabilis ang paglilitis at maituon ang pagtalakay sa mas mahahalagang usapin ng kaso.

“Sana ay iwasan ang masyadong focus sa technicalities. Mas mako-control sana ng mga senador ang proseso para hindi malihis ang pag-uusisa sa mas importanteng katanungan,” Paliwanag ni Atty. Cayosa.

Binigyang-diin din ng abogado ang kahalagahan ng pagiging malinaw at madaling maunawaan ng impeachment proceedings upang masundan ito ng taumbayan at makabuo ng mga sariling pagpapasya.

“Importante po na simplehan ng mga senador at mga abogado ang proseso para naiintindihan ng taumbayan kasi tayo rin ang nasasaktan dito, tayo rin ang nagpapasya rito. It depends upon our moral and ethical level of tolerance for corruption, abuse, katiwalian, violence at kung ano-ano pa,” Ani Atty. Cayosa.

Kasabay nito, kinilala naman ng dating IBP president ang mahalagang papel ng mass media sa paghahatid ng tama at mapagkakatiwalaang impormasyon, lalo na sa gitna ng paglaganap ng disinformation sa social media.

Ayon kay Atty. Cayosa, mahalaga ang ginagawang pagtalakay maging ng Radyo Veritas na himpilan ng Simbahan upang maihayag sa taumbayan ang katotohanan sa kasalukuyang pag-usad ng paglilitis at maiwasan ang mga maling impormasyon na dulot ng mga fake news ng mga bayarang trolls.

Maganda na tinatalakay ninyo ito sa mass media kasi kung hindi, papaniwalaan ng taumbayan ang mga trolls na kung minsan ay iba na ang kanilang sinasabi, hindi na ang katotohanan. Ang mga trolls, mga bayaran po ‘yan… It’s a very great challenge sa mass media kasi nao-overtake kung minsan ng mga trolls ang mass media sa paghahatid ng katotohanan,” Babala ni Cayosa.

Samantala patuloy namang inaasahan sa susunod na lingo ang pagpapatuloy sa pagdinig ng impeachment court kung saan magsisimula nang iharap ang mas maraming ebidensya at mga testigo kaugnay ng mga reklamong inihain laban kay Vice President Sara Duterte.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 14,110 total reads

 14,110 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 95,262 total reads

 95,262 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 189,487 total reads

 189,487 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 249,977 total reads

 249,977 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 263,149 total reads

 263,149 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 17,903 total reads

 17,903 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top