CBCP, nanindigang dapat igalang at hayaang umusad ang impeachment trial ni VP Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,659 total reads

Muling iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na dapat igalang at hayaang umusad ang impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte alinsunod sa Saligang Batas, kasabay ng panawagang manaig ang katarungan, pananagutan, at pambansang pagkakaisa.

Sa press conference sa pagtatapos ng ika-132 Plenary Assembly ng CBCP sa AMORAP sa Sinacaban, Misamis Occidental, sinabi ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairperson ng CBCP Episcopal Commission on Interreligious Dialogue, na nananatiling pareho ang posisyon ng Simbahan hinggil sa usapin at nilinaw na hindi ito pagpuna lamang sa bise presidente kundi paglilinaw sa mga akusasyon laban sa kanya.

“Hindi nagbabago ang aming katayuan sa ngalan ng ating Simbahan, at importante ang impeachment process na nangyayari ngayon. Hindi ito condemnation sa ating Vice President. Hindi kami gumagawa ng stand in favor of or against our Vice President kundi ang ating itinataguyod dito ay yung ating Konstitusyon, yung rule of law. Hayaan natin na tumakbo ang proseso ng impeachment. Let the rule of law give its own verdict,” ayon kay Bishop Bagaforo.

Paliwanag ng obispo na sa pamamagitan ng Interreligious Leaders Council for National Transformation ay patuloy nilang binabantayan at mino-monitor ang nagpapatuloy na impeachment proceedings.

Binigyang-diin din ni Bishop Bagaforo na ang pangunahing isinusulong ng Simbahan ay ang katarungan at hindi ang pagkiling sa alinmang panig.

“Ang Simbahan natin ay walang ibang ipinaglalaban kundi ang tinatawag nating hustisya… hustisya sa mga nangyari dahil sa mga allegations of corruption, at hustisya rin para sa mga inaakusahan,” ani ng obispo.

Kasabay nito, nanawagan si Bishop Bagaforo sa lahat ng mga lingkod-bayan na pairalin ang pananagutan sa kanilang mga tungkulin bilang pagtugon sa tiwalang ipinagkaloob sa kanila ng mamamayan.

“Accountability… ito ay paalala sa ating mga public officials. Accountable tayo sa tiwala ng bayan at sa kapangyarihang ibinigay sa atin. Dapat kaya nating sagutin at maayos ang ating pamamalakad at ang ating dispensation of services to our people,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Nangangamba rin ang obispo sa lumalalim na hidwaang pulitikal sa bansa at hinikayat ang sambayanan na unahin ang pagkakaisa kaysa sa pagkakawatak-watak dahil sa magkakaibang kulay ng pulitika.

“Totoo na masyado tayong divided ngayon… napakaraming kulay ang ating sambayanan… Ang dasal natin ay sana magkaisa tayo,” aniya.

Ayon pa kay Bishop Bagaforo, mahalagang ituon ng bawat Pilipino ang pansin sa kabutihang panlahat sa halip na sa pansariling interes at patronage politics.

“Kung ibig nating umunlad at magkaroon ng mabuting pamamalakad sa ating gobyerno… napakaimportante na magkaisa tayo. Sana huwag tayong masyadong mag-focus sa personal politics. Ang ating tingnan ay para sa kabutihan ng lahat,” dagdag pa ng obispo.

Binigyang-diin ng obispo na patuloy na gagampanan ng Simbahang Katolika ang pagiging moral na konsensya ng lipunan upang gabayan ang sambayanan sa pagsusulong ng katotohanan, katarungan, at mabuting pamamahala.

“Hindi tumitigil ang ating Simbahan na maging moral conscience ng ating sambayanan… Sana palaging ‘Una ang Ginoo.’ Kapag God is first… magiging mabuti ang pagpapatakbo ng ating pamahalaan,” saad ng obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 42,255 total reads

 42,255 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 139,680 total reads

 139,680 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 183,949 total reads

 183,949 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 207,058 total reads

 207,058 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 280,338 total reads

 280,338 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top