Mamuhay ng payak, paanyaya ni Bishop Gaa sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 268 total views

Hinikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga mananampalataya na tularan ang buhay ng panalangin, pagpapakumbaba, at pagsunod sa kalooban ng Diyos ni San Benito de Nursia kaugnay sa naging pagdiriwang ng Kapistahan ng Santo sa St. Benedict Parish sa Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Ayon kay Bishop Gaa, ang kapistahan ay paanyaya upang higit pang pagyamanin ang pananalangin, pagninilay, at pagtalima sa Diyos sa gitna ng mga hamon ng makabagong panahon kaya nawa ay mamuhay ang mga mananampalataya ng payak upang higit na maging bukas sa paggabay ng Espiritu Santo kaya ipinaalala rin ng Obispo na nawa, katulad ni San Benenito na tinalikuran ang marangyang pamumuhay at paghahangad ng kapangyarihan upang ialay ang kanyang buhay sa Diyos ay maging ehemplo ang Santo dahil nananatiling makabuluhan na halimbawa ag Santo ngayon bilang paanyaya na makinig sa Panginoon at magtiwala sa Kanyang patnubay sa bawat yugto ng buhay.

Binigyang-diin pa ni Bishop Gaa na hindi hinihikayat ng pananampalataya ang pagtalikod sa mundo, kundi ang matapang na pagharap sa mga pagsubok sa tulong ng biyaya ng Diyos dahil sa pamamagita ng patuloy na pananalangin at paggabay ng Espiritu Santo, magiging matatag ang pananampalataya ng bawat Kristiyano sa araw-araw na pamumuhay.

“Isang paanyaya po ito ng pananalangin, pagninilay at pagtalima sa Diyos. mabuhay ng may kapayakan para ang hatak at ang tulak ng Espiritu Santo ay tunay tayong tumalima. Si St. Benedict ay tumakas sa mundo ng karangyaan, kapangyarihan at isa itong paanyaya ni St.Benedict para sa lahat sa pangkasalukuyan na tayo ay manalangin,tunay na lumapit sa Diyos, tunay na tumalima at makinig sa Kanya at patuloy yung paggabay ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu Santo sa isang malalim na pagharap sa mga pangyayari sa buhay natin sa araw-araw. Kaya yun yung paanyaya sa atin, hindi tumalikod sa mundo, kundi harapin ang mundo sa mata at sa lakas at biyagrasya ng Diyos,”
ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Bishop Gaa.

Hinikayat naman ni St. Benedict Parish Priest Fr.Reynaldo Tano, MGL ang mga mananampalataya na isabuhay ang balanse ng pananalangin at paggawa bilang pangunahing aral ni San Benito de Nursia bilang pagdiriwang ng kapistahan ng Santo.

Binigyang-diin ng pari ang kilalang panawagan ni San Benito na “manalangin at magtrabaho” o ora et labora, na paalala na hindi dapat paghiwalayin ang pananampalataya at pang-araw-araw na gawain kaya hinikayat niya ang mga deboto ng Santo na patuloy na humingi ng kanyang pamamagitan lalo na sa panahon ng kalamidad, mga tukso, at iba pang pagsubok sa buhay kasunod ng paalala na bukod sa mga pisikal na hamon ay mayroon ding espiritwal na pakikibaka na hindi kayang harapin ng tao sa sariling lakas lamang kaya mahalaga ang pananalangin, pagtitiyaga, at pag-aayuno upang mapaglabanan ang masasamang impluwensya na maaaring maglayo sa tao sa Diyos at magdulot ng maling pagpapasya.

“”Ang paanyaya ni San Benito sa atin ay magdasal at magtrabaho. Napakahalaga na magkasama ang dalawang ito—hindi lamang puro dasal ang ating buhay at hindi lamang puro trabaho. Sabi nga ni San Benito, ‘Gawin ninyong dasal ang inyong pagtatrabaho at gawin ninyong trabaho ang inyong pagdarasal.’ Hindi dapat mapaghiwalay ang dalawa. Kaya sa mga may debosyon kay San Benito, lagi po tayong humingi ng kanyang pamamagitan, lalo na sa panahon ng kalamidad, mga tukso, at iba pang pagsubok sa buhay,” ayon naman sa panayam ng Radyo Veritas kay Fr.Tano.

Ayon kay Fr. Tano, bagama’t marami ang nag-aakalang kabilang ang kanilang parokya sa Benedictine Order, ang St. Benedict Parish ay pinangangasiwaan ng Missionaries of God’s Love (MGL), isang kongregasyong itinatag sa Australia noong 1986 at nagsimulang magmisyon sa Pilipinas noong 1996 na ayon sa Pari, patuloy nilang isinusulong ang mga programang panlipunan, espiritwal na paghubog, at pagbibigay ng mga sakramento alinsunod sa misyon ng kanilang kongregasyon at ng Diocese of Novaliches.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 118,061 total views

 118,061 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 148,283 total views

 148,283 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 174,931 total views

 174,931 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 269,904 total views

 269,904 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 283,296 total views

 283,296 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top