Pilipinas, naninindigan sa Arbitral Tribunal ruling sa EEZ

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,293 total reads

Iginiit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipagdiwang ang ika-10 anibersaryo ng Arbitral Tribunal ruling na kumikilala sa Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Affairs na malinaw na pinagtibay ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration noong July 12, 2016 na walang legal na batayan sa international law ang nine-dash line ng China at kinilala ang karapatan ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone (EEZ) nito.

Sinabi ni Trinidad na ipinapakita rin ng arbitral ruling na pantay-pantay ang lahat ng mga bansa, malaki man o maliit, sa ilalim ng batas.

“Ang nine-dash line ay walang basihan sa international law. Yung ating pinaglalaban, tayo ang may karapatan sa ating EEZ at nagpapakita ito that all nations, big or small, are equal in the eyes of the law. Kaya importante ipagdiwang natin ito. When it comes to Southeast Asia and it comes to the international community, yung mga European power, yung mga American power. Bakit? Mas intertwined, ika nga, mas may economic na connection, socio-cultural connection, and other dynamics ang ASEAN countries,” panayam ng programang Veritas Pilipinas kay Trinidad.

Iginiit ng opisyal na nananatiling nakatuon ang AFP sa pagtupad sa mandato nitong pangalagaan ang teritoryo ng bansa alinsunod sa saligang batas, sa halip na makialam sa mga usaping may kaugnayan sa polisiya ng pamahalaan.

Hinihikayat naman ni Trinidad ang mga Local Government Unit, religious organizations, at iba pang civil society groups na maglabas ng mga pahayag ng suporta at gawing buong taon ang paggunita sa July 12 bilang bahagi ng pagsusulong ng kamalayan laban sa maling naratibo ng China sa West Philippine Sea.

Ibinahagi din ni Trinidad na patuloy na pinapalakas ng AFP ang modernization program upang higit na mapatibay ang kakayahan sa pagpapatrolya sa karagatan at himpapawid, gayundin ang maritime domain awareness sa pamamagitan ng mas makabagong radar at iba pang kagamitan.

Kaugnay nito, patuloy namang hinihikayat ng Simbahang Katolika ang pagsusulong ng kapayapaan, katarungan, at paggalang sa pandaigdigang batas sa paglutas ng mga sigalot na nakabatay sa katotohanan, katarungan, at paggalang sa dignidad ng bawat bansa at mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 25,377 total reads

 25,377 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 110,700 total reads

 110,700 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 148,073 total reads

 148,073 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 179,332 total reads

 179,332 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 251,063 total reads

 251,063 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top