Matatag na pananampalataya ng mga Katoliko sa Marawi, pinuri ng Papal Nuncio to the Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,503 total reads

Pinuri ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang matibay na pananampalataya ng mga Katoliko sa Marawi City matapos ang kanyang pagbisita sa mga guho ng St. Mary’s Cathedral na lubhang napinsala sa Marawi Siege noong 2017.

Kasama nina Kalookan Bishop Pablo Virgilio David at Marawi Bishop Edwin dela Peña, binisita ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas ang lungsod noong July 10, kasunod ng pagtatapos ng ika-132 plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa Ozamiz City.

Ikinalugod ni Archbishop Brown na makita ang matatag na pananampalataya ng maliit na komunidad ng mga Kristiyanong nananatili sa Marawi sa kabila ng matinding pagsubok na pinagdaanan.

“It was beautiful to see the perseverance, love, and humility of the Catholics in Marawi,” pahayag ni Archbishop Brown sa Radyo Veritas.

Ayon sa nuncio, lubhang nakaaantig ang kanilang sama-samang pananalangin sa loob ng wasak na St. Mary’s Cathedral, kung saan tanging mga pader na lamang ang nakatayo matapos itong mapinsala sa limang-buwang digmaan sa lugar.

“We visited the remains of the old cathedral, which was destroyed during the 2017 military conflict. We went into the cathedral, which has no roof—only the walls are left. Everything was destroyed,” dagdag ng nuncio.

Aniya, lalo pang naging makahulugan ang pagdalaw ng awitin ng lokal na pamayanan, ang awiting Be Not Afraid, na sumasalamin sa matibay na pag-asa ng mga Kristiyanong nananatiling tapat sa kanilang pananampalataya.

“We all prayed there in the ruins of the cathedral. It was quite moving… They sang ‘Be Not Afraid.’ It was a beautiful witness to the perseverance of the Christians there, who have suffered a great deal over these years,” giit ni Archbishop Brown.

Kinilala rin ni Archbishop Brown ang mabigat na kalagayang patuloy na hinaharap ng mga Kristiyano sa Marawi, kung saan marami ang nasawi at napilitang lumikas dahil sa armadong tunggalian.
Sinabi rin ng nuncio na bagama’t nananatiling hamon ang muling pagbangon ng komunidad, naniniwala itong posible ang mapayapang pamumuhay ng mga Kristiyano at Muslim kung mananaig ang paggalang at pagkakaisa.

“Christians and Muslims absolutely can live in peace and harmony if they want to,” aniya.

Nagbabala rin si Archbishop Brown laban sa mga taong gumagamit ng hidwaan sa relihiyon para sa pansariling kapakinabangan.

Binigyang-diin ng kinatawan ng Santo Papa na ang kanyang pagbisita sa Marawi ay nagpatibay sa kanyang paniniwalang nananatiling buhay ang pag-asa sa kabila ng pagkawasak, dahil sa katatagan, pagmamahal, at kababaang-loob na ipinamalas ng mga mananampalataya.

Patuloy na umaapela ang simbahan sa Pilipinas na suportahan ang mga hakbang sa muling pagtatayo ng prelatura, lalo na sa kasalukuyang pro-cathedral sa Balo-i, Lanao del Norte.

Kasalukuyang umiikot sa mga arkidiyosesis sa bansa ang patrona ng Marawi, ang Mary Help of Christians, sa isinasagawang Caravan for Peace and Solidarity: Padayon Prelatura sa Marawi kung saan katuwang ng prelatura ang Aid to the Church in Need Philippines na layong makalikom ng pondo para sa proyekto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 24,570 total reads

 24,570 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 109,946 total reads

 109,946 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 147,319 total reads

 147,319 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 178,578 total reads

 178,578 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 250,347 total reads

 250,347 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top