Remain in full communion with the Church, paalala ng CBCP sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,965 total reads

Pinaalalahanan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na manatiling tapat sa katuruan ng Simbahan at umiwas sa paglahok sa mga pilgrimage sa Naju, South Korea, kasunod ng negatibong pasya ng Simbahan hinggil sa aparisyon ng Mahal na Birheng Maria sa naturang lugar.

Sa inilabas na Pastoral Guidance ni CBCP President at Lipa Archbishop Gilbert Garcera nitong July 13, binigyang-diin nito na kinikilala nila ang pasya ng Archdiocese of Gwangju, alinsunod sa gabay ng Dicastery for the Doctrine of the Faith.

“The Archdiocese of Gwangju in South Korea, in communion with the Dicastery for the Doctrine of the Faith, has issued a negative judgment that the alleged events in Naju are not approved as supernatural.”

Paalala pa ng CBCP na hindi obligadong paniwalaan ng mga mananampalataya ang mga pribadong aparisyon, lalo na kung ang mga ito ay hindi kinilala ng lehitimong awtoridad ng Simbahan.

“In discerning private revelations, the faithful are not obliged to accept them, especially when a competent ecclesiastical authority has issued a negative judgment,” ayon pa sa pastoral guidance ng CBCP.

Hinikayat din ng mga obispo ang mga mananampalataya na manatiling kaisa ng Simbahan at sundin ang mga itinakdang turo nito.

“Remain in Full Communion with the Church. Fidelity to Christ entails religious submission to the authentic Magisterium as taught by the Pope and the bishops,” dagdag pa ng pahayag.

Binigyang-diin pa ng CBCP na ang tunay na debosyon ay nakaugat sa Banal na Misa, pagsamba sa Banal na Sakramento, panalangin, at pagkakawanggawa, at iginiit na dapat itong magdulot ng pagkakaisa at paglalalim ng pananampalataya ng mamamayan.

“Authentic spirituality produces humility, obedience, and unity within the Church. Any movement that fosters defiance or separation from the Church contradicts the Gospel.”

Hinimok ng CBCP ang mga nagnanais na magsagawa ng mga pilgrimage na iwasan ang Naju, alinsunod din sa paalala ng lokal na simbahan sa lugar.

“We address diocesan pilgrimage organizers, parish leaders, travel agencies, as well as Filipino pilgrims and devotees, urging them to refrain from organizing, promoting, or participating in pilgrimages to Naju,” ayon sa pahayag.

Sa halip, inanyayahan ng mga obispo ang mga mananampalataya na dumalaw sa mga kinikilalang Marian shrines sa Pilipinas at sa iba pang panig ng mundo kung saan ang debosyon sa Mahal na Birheng Maria ay isinasabuhay sa ganap na pakikipagkaisa sa Simbahan.

Hinikayat ng CBCP ang mga mananampalataya na manatiling matatag sa buhay ng Simbahan.

“We urge everyone to remain steadfast in the life of the Church—nourished by the Eucharist, guided by Sacred Scripture, Tradition, and the Magisterium. Let us avoid confusion caused by unapproved phenomena and instead walk the path of obedience, humility, and unity within the Body of Christ.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 10,176 total reads

 10,176 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 49,686 total reads

 49,686 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 84,986 total reads

 84,986 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 311,255 total reads

 311,255 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 204,019 total reads

 204,019 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top