Pagbibitiw ng kalihim ng DOH, tinanggap ni PBBM, Medical Chief ng POC, ipinalit sa puwesto

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,635 total reads

Nagbitiw na sa puwesto si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa matapos magsumite ng kanyang resignation kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang bigyang-prayoridad ang kanyang rehabilitasyon kasunod ng isinagawang bilateral knee replacement surgery.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Herbosa na matagumpay ang kanyang operasyon noong July 7, ngunit kinakailangan niyang tapusin ang physical therapy upang tuluyang gumaling, dahilan upang hindi na niya magampanan ang araw-araw na tungkulin bilang kalihim ng kalusugan.

“Hindi pwedeng maapektuhan ng aking rehabilitation at therapy ang araw-araw na trabaho ng Department of Health. Dahil dito, nagdesisyon akong magpasa ng aking resignation letter kay President Bongbong Marcos, Jr.,” pahayag ni Herbosa.

Nagpasalamat din ang dating kalihim kay Pangulong Marcos sa pagkakataong makapaglingkod bilang ika-30 kalihim ng kagawaran at iginiit na marami pang kailangang gawin upang ganap na maisakatuparan ang mga reporma sa sektor ng kalusugan.

“Malinaw ang mandato ng Pangulo—gawing ramdam ang serbisyong publiko… marami pa ang kailangang gawin para lubos na makamit ang Bagong Pilipinas,” saad ni Herbosa.

Samantala, itinalaga ng Pangulo si Dr. Jose “Brix” Pujalte Jr. bilang bagong Health secretary.

Ayon sa Presidential Communications Office, mahigit tatlong dekada nang nagsisilbi si Pujalte sa larangan ng pampublikong kalusugan, hospital administration, at medical education matapos pumasok sa DOH noong 1991 at magsilbing Medical Center Chief II ng Philippine Orthopedic Center noong 2014.

Nagtapos si Pujalte ng Doctor of Medicine sa University of the Philippines College of Medicine at Master’s in Hospital Administration sa Ateneo Graduate School of Business, at nagsilbi ring pangulo ng Philippine Orthopedic Association at ASEAN Orthopaedic Association, bukod sa pagiging founding president ng Philippine Shoulder Society at founding member ng Philippine Spine Society.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 8,273 total reads

 8,273 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 47,861 total reads

 47,861 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 83,171 total reads

 83,171 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 309,440 total reads

 309,440 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 202,311 total reads

 202,311 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 152,274 total reads

 152,274 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top