Hindi gusali ang sukatan sa paglago ng simbahan-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,428 total reads

Hindi lamang ang pagpapatayo ng mga gusali ang sukatan ng paglago ng Simbahan kundi ang pagiging higit na kawangis ni Kristo.

Ito ang binigyang-diin ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa paggunita ng Archdiocese of Capiz sa ika-75 anibersaryo nito bilang diyosesis at ika-50 anibersaryo bilang arkidiyosesis, kung saan hinikayat ng kardinal ang mga mananampalataya na ituon ang paglago ng Simbahan sa kabanalan, pakikiisa, at masigasig na pagmimisyon.

Ayon sa kardinal, ang tunay na paglago ng Simbahan ay hindi nasusukat sa dami ng imprastraktura o mga programa kundi sa malalim at matatag na pananampalataya ng mamamayan.

“Christian growth is not simply about having more buildings, more programs, or more organizations, but about becoming more like Christ. Christian growth means growing in holiness, in charity, in communion, in participation in the life of the Church, and in missionary zeal,” ayon kay Cardinal Advincula.

Paliwanag ng arsobispo na ang pagdiriwang ng hubileyo ay hindi lamang paggunita sa nakalipas na mga biyaya ng Diyos kundi panawagan upang lalo pang maging mabunga ang misyon ng Simbahan sa pagpapahayag ng Ebanghelyo.

Binigyang-diin ng kardinal na ang lahat ng tagumpay ng lokal na Simbahan ay bunga ng biyaya ng Diyos at hindi lamang ng kakayahan ng tao.

“Ang tanan nga yara sa aton, halin sa Ginoo. Indi ini bunga lamang sang aton kaugalingon nga kusog ukon kaalam. Kag kon gin-updan kita sang Ginoo sa nagligad nga mga tinuig, nagasalig kita nga padayon man Niya kita nga updan sa palaabuton nga panahon. Ang Iya grasya amo ang aton kabakod kag paglaom,” dagdag pa ng kardinal.

[Ang lahat ng mayroon tayo ay nagmumula sa Panginoon. Hindi ito bunga ng sarili nating lakas o karunungan. At kung ang Panginoon ay kasama natin sa mga nakalipas na taon, nagtitiwala tayong patuloy Siyang sasama sa atin sa hinaharap. Ang Kanyang biyaya ang ating lakas at pag-asa.]

Hinimok din ni Cardinal Advincula ang mga parokya, pamilya, kabataan at bawat mananampalataya na maging higit na masigasig sa pananampalataya at paglilingkod upang maipagpatuloy ang misyon ng Simbahan sa mga susunod na henerasyon.

Samantala, binigyang-diin naman ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, na ang pinakamahalagang hamon sa pagdiriwang ng hubileyo ay maisalin ang pananampalataya sa bagong henerasyon o mga kabataan na tinaguriang kasalukuyan at kinabukasan ng simbahan at lipunan.

“That’s the challenge of this Jubilee: to pass it on so that in 25 years this cathedral is as filled with joy as it is today,” ani Archbishop Brown.

Hinamon din ng kinatawan ng Santo Papa ang lokal na simbahan na higit pang pagtuunan ang ebanghelisasyon ng mga kabataan upang manatiling buhay at masigla ang pananampalatayang Katoliko sa mga darating na panahon.

“The Church has a beautiful option for the poor, but we also need to think about an option for the young. We need to evangelize the young so that in 25 years… this cathedral is as filled with joy, happiness, gratitude, and thanksgiving as it is this morning,” dagdag pa ng nuncio.

Ang Capiz ay naitatag bilang diyosesis noong 1951 nang mahiwalay ito sa Archdiocese of Jaro, na sumasaklaw sa mga lalawigan ng Capiz, Aklan, at Romblon.

Makalipas ang 25 taon, itinaas ito ni Pope St. Paul VI bilang arkidiyosesis noong 1976 at nagsisilbing suffragan dioceses nito ang Kalibo at Romblon.

Sa kasalukuyan ay ipinapastol ni Archbishop Victor Bendico ang arkidiyosesis na may halos isang milyong Katoliko.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 24,564 total reads

 24,564 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 109,940 total reads

 109,940 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 147,313 total reads

 147,313 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 178,572 total reads

 178,572 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 250,341 total reads

 250,341 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top