Brown scapular ng Our Lady of Mount Carmel, hindi anting-anting

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,804 total reads

Nilinaw ng Parochial Vicar ng Our Lady of Mount Carmel Parish na ang Brown Scapular of Our Lady of Mount Carmel ay hindi dapat ituring na anting-anting kundi isang pagpapahayag ng pananampalataya at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Sa panayam sa programang Barangay Simbayanan, sinabi ni Rev. Fr. Ronald “Jojo” Monis, Parochial Vicar ng parokya na matatagpuan sa Project 6, Quezon City na mahalagang maunawaan ng mga deboto ang tunay na kahulugan ng pagsusuot ng Brown Scapular of Our Lady of Mount Carmel.

“Yun ang dapat klaruhin sa atin at sa mga deboto. Hindi ito parang iti-treat natin bilang proteksyon o katulad ng mga anting-anting na pinaniniwalaan ng iba. Ito ay isang expression of our faith at expression din ng ating devotion sa ating Mahal na Ina, kaya hindi ito dapat tratuhing anting-anting,” Bahagi ng paliwanag ni Fr. Monis sa Radyo Veritas.

Kasabay ng paghahanda para sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel sa ika-16 ng Hulyo, 2026, ibinahagi rin ng Pari ang patuloy na pagsisikap ng parokya na mapalalim ang pakikilahok ng mga kabataan sa buhay ng Simbahan.

Ayon kay Fr. Monis, bagama’t hindi lahat ng kabataan ay kasapi ng Third Order of Carmelites, aktibo naman silang nakikibahagi sa iba’t ibang programa at ministeryo ng parokya, lalo na sa Sunday School.

Dagdag pa ng Pari, mahalagang mabigyan ng sapat na kaalaman sa pananampalataya ang mga kabataan lalo na sa gitna ng iba’t ibang hamon na kinakaharap ng Simbahan, upang manatiling matatag ang kanilang ugnayan kay Kristo at sa pamayanang Kristiyano.

“Ang challenge sa amin is to involve young people. Hindi man sila direktang bahagi ng Third Order, very active naman sila dito sa parokya. Nagpapasalamat ako kasi very active ang ating youth. Sila mismo ang tumutulong sa Sunday School sa ating 14 chapels matapos silang sumailalim sa formation bago magsimula ang taon ng pagtuturo,” Dagdag pa ni Fr. Monis.

Naniniwala rin si Fr. Monis na ang aktibong pakikilahok ng kabataan sa mga gawaing pang-parokya ay mabisang paraan upang mahubog sila bilang mga responsableng Kristiyano at susunod na henerasyon ng mga lingkod ng Simbahan.

Kasabay ng Kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel sa ika-16 ng Hulyo, 2026 ay ang paggunita rin sa 65th Parish Fiesta ng parokya na may temang “Carmel @ 65: A Hearth of Prayer, A Home for the Faithful.”

Inaanyayahan ng parokya ang mga deboto na dalhin sa Mahal na Ina ng Karmelo ang kanilang mga panalangin, pangamba, at mga pasaning dinadala sa buhay, bilang Ina na patuloy na nagbibigay ng pag-asa at paggabay sa gitna ng mga pagsubok.

Bilang tampok sa pagdiriwang ng kapistahan, idaraos ang mga Pontifical Mass sa araw ng kapistahan, kung saan pangungunahan ni Cubao Bishop-Emeritus Honesto F. Ongtioco ang banal na misa sa ganap na alas-7:00 ng umaga, habang pangungunahan naman ni Cubao Bishop Elias L. Ayuban Jr., CMF ang misa sa ganap na alas-6:00 ng gabi.

Umaasa ang pamunuan ng Our Lady of Mount Carmel Parish na sa pamamagitan ng pagdiriwang ng kanilang ika-65 anibersaryo bilang pamayanang pananampalataya ay lalo pang mapatatag ang debosyon ng mga mananampalataya sa Mahal na Birhen at mapalalim ang kanilang ugnayan kay Hesukristo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 73,605 total reads

 73,605 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 213,415 total reads

 213,415 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 329,191 total reads

 329,191 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 446,986 total reads

 446,986 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top